Advertisers

Advertisers

Sine Sports!

0 2

Advertisers

‘Money Game’ (2011) na kwentong baseball at ‘Finding Tony’ (2024) na tungkol sa basketball ay dalawang pelikulang dapat mapanood ng mga mahilig pareho sa sports at sine.

MG na pinagbidahan ni Brad Pitt bilang si Billy Beane, general manager ng Oakland A’s. Kailangan niyang maisahan ang mga mayayamang koponan na kalahati o mas mababa pa ang kanilang sariling budget.

Nagawa naman niyang talunin ang mga ito sa pamamagitan ng kakaibang mga pamamaraan sa tulong ng kanyang assistant na mahusay sa sabermetrics.

Binigyan niya ng pagkakataon ang mga player na di gaanong nagagamit sa ibang team pati ang mga galing injury.

Mga naging susi ay ang malikhaing pakikipag-trade kung saan may kwarta pa silang nakukuha at ang tamang paggamit ng sabermetrics.

Noong una hirap sila nguni’t unti- unti nagbunga ang kanilang mga pagsisikap.

Hayun bagama’t hindi sila nagkampeon ay nagka-record naman sila ng 20 game winning streak.

Inalok si Billy ng pinakamalaking kontrata para pangasiwaan ang Boston Red Sox pero tinanggihan niya ito.

Hindi nga naman lahat ay mabibili.

Ire naman FT na tinampukan ni Stephen Bishop sa papel ni Tony Greene, isang dating NBA cager na namatay ang asawa sa panahon ng kanyang kasikatan.

Hindi ito agad matanggap kaya naging alcoholic. Napilitan siyang kuhanin ang ayaw niyang trabahong high school coach ng mga babae para lang gumaan kanyang perusq sa isang kasalanan.

Dito umikot ang istorya nang makikilala ang isang 18 anos na hoopster may attitude.

May twist sa huli na anak pala niya ang naturang tinedyer.

Kung ang MG ay hinggil sa mga strategy para magwagi sa game ito namang FT ay kung paano manalo sa buhay.

Si Bishop ay nagkataong parehong kasali sa mga movie na ating tinalakay.

***

Vintage LeBron James ang nakita natin sa crucial victory ng Lakers kontra sa Golden State kahapon.

Wala kasi ang mga star na sina Luka Doncic at Austin Reaves pati ang mga maasahang sina Marcus Smart at Jaxson Hayes.

May 26 na puntos, 11 na assists at 8 na rebounds si LBJ. Tapos 3 of 5 sa tres. Bukod diyan may 2 steals at isang block pa siya upang pangunahang ang W ng purple and gold sa Chase Center sa San Francisco kahapon.

Dama mo na gustong-gusto niyang manalo upang magkaroon ng homecourt advantage at least sa first round ng playoffs.

Nais nilang manatili sa pang apat na puwesto sa Western Conference.

Hinahabol sila ng Houston Rockets na kanila ring malanang kalaban sa unang round ng playoffs.

Iba pa rin ang may LeBron sa iyong prangkisa.

***

Bilib si Pepeng Kirat sa MPBL ni Manny Pacquiao. Akala ng marami ay hindi ito magtatagal sa basketball scene.

Eka nga ng ilan ay pang dagdag lang yan sa popularidad ng pambansang kamao at gagamitin lang sa pulitika.