Advertisers

Advertisers

P903K droga, nasamsam sa 2 tulak

0 2

Advertisers

Bunga ng patuloy na kampanya ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa ilegal na droga dalawang lalaking tulak ang naaresto matapos na makompiskahan ng mahigit sa P903,000,000 ng droga, sa magkahiwalay na operasyon sa Novaliches.
Sa ulat kay PBGEN Randy Glenn Silvio, QCPD District Director, mula kay PLt. Col. Dave Capurcos, hepe ng Novaliches Police Station 4, naunang nadakip ang 24-anyos na si alyas “Boss”, nitong Abril 11, 2026, dakong 5:15 ng hapon sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.
Dinakip si Boss matapos bentahan ng pinatuyong marijuana ang pulis na nagpanggap na buyer. Nakuha sa posisyon ng suspek ang mga sumusunod, 496.2 gramo na nagkakahalaga ng P744,300.00 at 769 gramo ng liquid marijuana na nagkakahalaga ng P153,800.00.
Nakumpiska din sa suspek ang isang iPhone 13, mga kagamitan sa pag-iimpake, at isang Nike Elite backpack.
Samantala, sa isa pang operasyon naaresto si alyas “Danilo”, 38-anyos, sa inilatag na checkpoint ng pulisya sa Susano Road, Brgy. San Agustin, Novalices. Siya na nasamsaman ng isang sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.84 gramo**, na may halagang P5,712.00.
Sa pagsusuri ng rekord, lumabas na si Danilo ay may nakaraang kaso sa paglabag sa RA 9262 (Violence Against Women and Their Children Act) noong taong 2021.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Isasailalim sila sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Almar Danguilan)