“ALMOST US” Nina Fyang At JM Inaabangan Na Sa Buong Bansa, JmFyang Pinuri Nina Ma’am Roselle At Direk Dan
Advertisers
Ni Peter Ledesma
Sunday(April 12) idinaos ang Grand Mediacon ng “Almost Us” ng JmFyang loveteam nina JM Ibarra at Fyang Smith sa Valencia Events Place. Pero well attended ito dahil interesado kaming lahat sa entertainment media na makasalamuha rin ang famous JmFyang na bibida sa kauna-unahang pagkakataon sa big screen sa Almost Us na hatid ng Regal Entertainment at Project 8 Projects. Sa said mediacon hosted by Regal Entertainment Publicst Eric John Salut. Kumpleto ang lead stars at ilang supporting casts ng movie lead by Fyang Smith and JM Ibarra. Also Dustin Yu, Yukii Takahashi, Sam Samarita and JM Salvado. And of course Direk Dan Villegas, na director ng movie. And bigwigs of Regal Entertainment Ma’am Roselle Monteverde and her son Atty Sir Keith Monteverde.
Well puring-puri pareho ni Ma’am Roselle and Direk Dan ang JmFyang loveteam.
From Ma’am Roselle, sinabi nitong nagagandahan siya sa pelikula and majority of the scenes ay natatawa raw siya. Ikinumpara rin ni Ma’am Roselle, si Fyang kay Maricel Soriano. “Fyang reminds me of Maricel Soriano. I’m not kidding. I grew up with Maricel, natutuwa ako sa bata(Fyang) ‘pag pinapanood ko. Bawat galaw natatawa ako,” sabi pa ni Ma’am Roselle na gusto naman ang acting ni JM Ibarra sa Almost Us.
“JM, has the eyes na talagang, the way does his acting, mararamdaman mo talaga. It is so natural. Parang they are not acting.” All praises pa ni Ma’am Roselle sa mga bida ng kanilang movie na showing na in Cinemas Nationwide starting May 6. Parehong natulala at speechless sina Fyang at JM sa mga naging komento sa kanila ni Ma’am Roselle at parehong thankful, ang dalawa sa tiwala sa kanila ng Regal Entertainment at Project 8 Projects ni Direk Dan at wife nito na si Direk Antoinette Jadaone.
Para naman kay Direk Dan, ay after niyang mapanood si JM sa “Child No.82”, sa Cinemalaya ay na-inlove raw siya kina JM at Fyang. Kaya personal choice niya ang mag-loveteam dito sa Almost Us. At may ibinigay lang siyang 3 kondisyon. Una ay maging professional, second dapat memorize na ang lines pagpunta sa set and last o third one ay dapat ay maging collaborative sina Fyang at JM sa kaniya. At pagmamalaki pa ni Direk Dan ay nasunod ang mga gusto niya at parehong nakapag-deliver ng maayos ang kanyang mga bida sa kanilang mga character, na ginagampanan.
Samantala, naniniwala naman ang isa sa producer ng film, na sa gitna ng laganap na crisis sa ating bansa, ay tatangkilikin pa rin ang Almost Us. Lalo’t magbababa ng presyo ng tiket ang sinehan, at may kakausapin pa silang theaters para rito.
Si JM, ay ipinagmamalaki naman ang acting ni Fyang, sa kanilang pelikula na pang Best Actress raw. Oo naman, pareho silang dalawa ni Fyang sa mga eksena nila sa Almost Us. Nagkwento pala sina Fyang at JM sa kanilang mediacon. Doon sa scene nila sa jeep, na umagaw ng atensiyon at eksena sa trailer ng Almost Us, na in just 24 hours ay humamig agad ng 22 million views, and still counting.
Chika pa ni Fyang, ay naka-ilang takes sila sa nasabing eksena. At curious lang raw talaga siya kung ano ang mararamdam ng lalaki kapag hinampas sila sa dako pa roon. Ang ginawa raw ni Fyang, habang nakasabit sa jeep, si JM ay hinampas niya ito sa parte ng kanyang pagkalalaki at napaaray raw talaga sa sakit ang gwapong kalabtim. Wala raw ito sa script kaya ‘di alam ni JM. At ni-request raw ito ni Direk Dan, kung kaya niyang gawin ang eksena at umokey at pumayag ang young actress na gawin ito. At isa ang eksenang ito, at inaabangan sa pelikula. Almost Us, is a romantic-comedy and drama film, focusing on the complexities of modern relationships. At ibang timpla ng rom-com ang Almost Us, na bago sa mata ng moviegoers. Muli, showing na ang Almost Us, sa May 6. At inaabangan na ito, hindi lang sa Mega Manila kundi sa iba’t-ibang parte ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Yes, sobrang dami ng fans and supporters ng JmFyang Loveteam, at sobrang lawak ng kanilang fan base. At hindi pa man ito naipapalabas, ay marami na itong naka-scheduled na block screening.