Advertisers

Advertisers

Dingdong Dantes kapos sa pera kaya sineryoso ang pag-aartista

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

Inamin ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes na ang kakapusan sa financial support ang nag-udyok sa kanya para seryosohin ang kanyang showbiz career.

Sa panayam kay Kapamilya news anchor Karmina Constantino sa YouTube channel nitong KC After Hours, inalala ng aktor ang panahong nagsisimula pa lamang siya sa industriya at itinuturing pa lamang niya itong libangan.

Ayon kay Dingdong, nagbago ang kanyang pananaw nang makita niya ang hirap ng kanyang mga magulang sa pagpapaaral sa kanilang limang magkakapatid. “I think that was when I realized that there is a greater reason why I was put there in the first place,” aniya.

Dagdag pa niya, “Parang laro lang ‘to noon… pero dumating ‘yung point na nakita ko na nahihirapan na ‘yung parents ko sa pagpapaaral sa amin.”

Ikinuwento rin niya na dumating sa punto na pinag-isipan ng kanyang ama kung ipagpapatuloy pa ba ang kanyang pag-aaral. “So sabi ko, tutulungan ko na kayo—para sa tuition ko mismo,” pagbabahagi niya.

Kaya naman mas naging seryoso siya sa paghubog ng kanyang talento, nag-aral pa nang mas malalim, at humingi ng gabay mula sa mga direktor.

“Doon ko na siya minahal… inaral ko talaga siya,” giit pa nito.