Advertisers

Advertisers

TULOY PUBLIC HEARING NI MISFIT SARA

0 5

Advertisers

WALANG TRO na inilabas ang Korte Suprema,” ito ang malutong na kalatas ni Kin. Terry Ridon, hepe ng House Committee on Public Accounts at isa sa mga pangunahing mambabatas na bumubuo ng House Committee on Justice. Kinatawan ni Ridon ang Bicol Saro Party List, isa sa tatlong dosenang party list group sa Kapulungan ng mga Kinatawan.

Dahil walang TRO, o temporary restraining order, itutuloy ang itinakdang pagdinig ngayon (Martes) ng komite na pinamumunuan ni Kin. Jinky Luistro ng Batangas, ayon kay Ridon. Walang hadlang upang pigilin ang komite ni Luistro sa pagdinig.

Haharap ang mga inanyayahang saksi upang magbigay ng kanilang pahayag at ebidensya sa mga bintang laban kay Misfit Sara. Hindi kami magtaka kung abutin ng lima o sampung oras ang pagdinig. Haharap sa komite ni Luistro ang mga kinatawan ng the Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ilang piling saksi tulad ni dating senador Sonny Trillanes.

Imbitado rin si Misfit Sara at mga kinatawan ng kanyang kampo upang mabigay ng kanilang pahayag at mga katibayan. Dahil walang tiwala si Misfit Sara sa kanyang sarili dahil abugada siya, hindi namin nakikita na dadalo siya. Hindi namin kung alam kung magdadala siya ng kanyang kinatawan kahit binalaan siya ni Luistro na ituturing ng komite niya na pag-iwas sa sakdal ng impeachment kung hindi siya dadalo.

“Mahalaga makita kung paano sasagutin ang mga tanong ng House Committee on Justice at kung may malinaw na depensa o puro pag-iwas. Sa huli, dito nagmumula ang rekomendasyon kung umakyat ito sa plenaryo – isang mahalagang hakbang para sa tunay na pananagutan,” ni Dindo Singson de Leon, isang manananggol ng interes publiko at karapatang pantao.

Naunang nagdesisyon ang komite ni Luistro sa sapat sa form at substance ang dalawa sa apat na impeachment complaint na iniharap ng apat na magkakahiwalay na grupo laban kay Misfit Sara. Titingnan ng komite ni Luistro kung sapat na ground, o “probable cause” (dahilan), upang dalhin ang sakdal sa plenaryo at desisyon ng buong Kapulungan ng mga Kinatawan kung marapat dalhin sa Senado ang sakdal upang litisin si Misfit Sara.

Itinakda ito ng Korte Suprema noong nakaraang taon sa desisyon na ibinaba ng hingin ng kampo ni Misfit na labag sa Saligang Batas ang impeachment complaint. Muling inilatag sa Kapulungan ang mga sakdal laban kay Misfit at muling hiningi ng kampo niya na ideklarang labag sa Saligang Batas ang mga sakdal.

Wala pang ibinaba ang Korte Suprema sa tatlo petisyon ng iniharap ng kanyang kampo sa Korte Suprema. Hindi rin nagbaba ng TRO. Inaasahan na sasamantalahin ng komite ni Luistro ang kabiguan ng kampo ni Misfit na makakuha ng TRO. Ilalabas sa kanyang komite ang mga ebidensya laban sa kanya, mga katibayan na nagpapatunay na dinambong niya ang pera ng sambayanan at nilabag niya ang Saligang Batas.

Itatali ng komite ni Luistro sa mga lalabas na ebidensya ang Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado kung sakaling susulong ang sakdal laban kay Misfit. Hindi makakaporma ang mga kasapakat ni Misfit sa Senado tulad ni Tricky Tsis Escudero, Alan Cawatano, at Rodente Marcoleta. Sa komite pa lang ni Luistro, matatapos na ang usapan at kikinang ang mga katibayan laban kay Misfit Sara. Ano ang silbi ni Tricky Tsis, Alan Catawano, at Rodente kung mabubusalan ang kanilang mga bibig?

Isa itong bagay na hindi nakita ng kampo ni Misfit Sara. Ang buong akala nila, mapapaikutan nila ang isyu ng kanyang impeachment. Ang buong akala nila, kayang ikanal ng Korte Suprema ang proseso ng impeachment laban sa Misfit.

***

MALINAW si Luistro kung ano ang mangyayari sa kanyang komite. Hindi trial ang pagdinig ng kanyang komite, walang cross-examination. Ilalatag lang ang mga katibayan upang tingnan kung sapat ang mga ito upang dalhin sa plenaryo ng Kapulungan at bumuo ng bagong Articles of Impeachment laban sa Misfit.

Limitado ang poder ng kanyang komite, ayon kay Luistro. Tanging ang Senado ang may poder na dinggin ito dahil ang Senado ang tanging impeachment court. Gayunpaman, may mga pananaw ang ilang paham sa batas na mistulang babaguhin ng Korte Suprema ang Saligang Btas kung pakikinggan ang mga petisyon ni Misfit Sara.

Sa kanilang pananaw, marapat na ituloy ng komite ni Luistro at buong Kapulungan ng mga Kinatawan at buong Senado ang buong proseso at huwag makikialam sa proseso. Naniniwala kami na walang matwid si Misfit Sara upang pigilan ang proseso. Wala siyang dapat ikabahala kung wala siyang kasalanan.