Advertisers
Ni JOVI LLOZA
UNTIL now ay wala pa rin status kung sino ba ang mananatili or mawawala sa longest running noontime show na Eat Bulaga.
Kahit ang mga humahawak sa karera ng Pambansang Bae na si Alden Richards ay ikinatuwa ang pagbabalik EB nito.
Pero hindi raw madalas makikita si Alden sa nasabing noontime show, ‘pag may free time lang ito.
Abangers naman ang TVJ at iba pang Dabarkads sa plano ng bagong management sa kanilang lahat.
Lalo na nga raw at nakipag-usap na si Romy Jalosjos sa execs ng GMA at kay Johnny Manahan na head ng Sparkle Artist Management.
Maglalagay raw ng mga Sparkle artist sa EB.
Napaisip naman ang netizens kung gaano kalakas si Maja Salvador kay Mr. M na siya ngang dahilan kung bakit nasa GMA-7 ngayon ang misis ni Rambo Nunez.
Knows ng marami na tatay tatayan ni Maja si Mr. M kahit noong nasa ABS CBN pa sila pareho.
Kaya napaisip ang netizens na baka manatili si Maja sa Eat Bulaga or pokus muna ito sa pagiging Mrs. Nunez.
Kung papalitan naman si Maine Mendoza ng anak ni Jalosjos,good timing ito para sa una at bf na si Arjo Atayde para mag-settle down na.
Hmmmp! Abangan!
***
AJ inasar sa pagpapaseksi sa Tiktok
SA latest Tiktok video upload ni AJ Raval ay maraming napa-Wow sa kaseksihan ng gf ni Aljur Abrenica.
Napansin lang ng netizens na tila ginaya ni AJ ang awrahan ng ex wife ni Aljur na si Kylie Padilla.
Pero may mga nambanas at nang-asar kay AJ na inokray okray ito.
Sey ng netizen na ganyan din daw siya after giving birth, super Tiktok.
Hirit pa ng isa na “baby reveal naman jan” na tila nambabanas ang isang netizen.
Susog pa ng isa na isama naman daw si Baby sa pagti-Tiktok.
Habol pang komento ng netizen na may patama na para raw di nanganak ang gf ni Aljur at napakaseksi.
Kahit naman noon ay walang inamin ang couple na nagkaroon na sila ng anak.
Sa ngayon ay okey na sina AJ, Aljur at Kylie lalo na’t naplantsa na ang gusot na namagitan sa tatlo.
Well, well, well…’Yun na!