Advertisers

Advertisers

Jason aminadong nagkamali kaya tinanggap ang mga patama sa kanta ng ex-misis na si Moira

0 215

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA pambihirang pagkakataon ay nainterbyu ng members ng media si Jason Hernandez, ang dating asawa ni Moira dela Torre.
Naganap ito sa mediacon ng upcoming drama series ng GMA Public Affairs at VIU na The Write One.
Si Jason ang sumulat at kumanta ng theme song ng The Write One na pinamagatang “Oras.”
Halatang hindi kumportable si Jason na sagutin ang ilang tanong tungkol sa kanila ni Moira. Kahit nga noong bago pa lang ang isyu sa kanila ni Moira ay never nagpainterbyu si Jason.
Sa Palawan na pala nakabase si Jason at nagnenegosyo na doon.
Lumuluwas lang daw siya sa Maynila kapag may trabaho.
“Pumunta ako dun. Dapat vacation lang. Now I’m staying for the last seven months. Tapos, ang dami kong naging tropa dun, dami kong naging kaibigan.
“Dun ko na-realize na you don’t need a lot of things pala para maging masaya. Limang T-shirts, dalawang shorts, apat na brief, okay na. Ang saya! Sobrang saya.
“Gets ko si Kuya John Lloyd Cruz kung bakit siya lumipat dun. Sobrang simple,” umpisang pahayag ni Jason na halatang ingat na ingat sa mga sasabihin.
“Ngayon, alam ko na yung importante sa buhay. Just friends, family, di ba? It’s all good. I’m good. Walang bitterness, walang ano. Pero gets ko naman na nasaktan siya.
“I think emotionally, I’m okay na, e. Siyempre sa simula, masakit, pero okay na. Like now, mas focus lang talaga ako sa family ko, sa business, sa friends,” pahayag pa ni Jason.
Natanong si Jason kung ano ang reaksyon niya na tila siya ang tinutukoy sa ilang emote ni Moira sa ilang concerts nito.
Pero ayaw na lang daw niyang mag-react dahil aminado siyang nagkamali siya.
“Honestly, tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako. I deserve it.
“May mga details lang na iba, pero okay lang yun. Ganun kasi ako, e. Never niyo maririnig na gaganti ako.
“Naniniwala kasi ako na si God na bahala sa kanya. Siya na yung mag-aano. I really don’t need to defend…”
Dahil siguro may pinaghuhugutan kaya napakaganda ng pagkakaawit ni Jason ng “Oras”. Sa The Write One ay bida sina Ruru Madrid at Bianca Umali kasama sina Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Mikee Quintos, Paul Salas at marami pang iba.
Eere ito sa GMA Telebabad sa March 20, pero may advanced screenings sa VIU Philippines sa March 18.
Ito ay sa direksyon ni King Mark Baco.
***
ISANG dekada ng Kapuso si Ashley Ortega at ngayon ay bida na siya sa Hearts On Ice, ang teleserye na magkapareha sila ni Xian Lim.
Wala naman daw pagtatanong si Ashley kung bakit ngayon lamang siya nabigyan ng serye na siya mismo ang bida.
“Hindi naman po, actually. Siguro iyon din yung reason kaya nandito ako ngayon, because I’ve been really, really, really patient in my career.
“At tsaka lagi kong iniisip naman na hindi naman fame yung habol ko sa industriyang ito. My main goal as an actor is tumagal sa industriyang ito that’s why I really admire the veterans like sila Miss Amy, lahat ng veterans na nakakasama ko sa show.”
Isa ang aktres na si Amy Austria sa mga kasama ni Ashley sa serye ng GMA na eere na sa Lunes, March 13.
“I will always tell myself na pagtanda ko gusto ko parang katulad pa rin nila ako na umaarte pa rin,” pagpapatuloy ni Ashley.
“Kasi fame can… hindi naman tumatagal yan, e. I mean, hindi ko na nilalagay sa mindset ko na iyon yung habol ko.
“Gusto kong tumagal sa industriya, gusto kong maging respetadong aktor, and until now I love what I do and lahat naman ng mga roles na ibinigay sa akin, supporting man or maliit na role, I always look at it as a big role for me.
“Tulad ng sa Legal Wives, for example, I was in a supporting role there pero na-acknowledge nila doon unexpectedly, and hindi ko naman in-expect na magba-viral pala ako doon.
“So siguro that’s what keeps mo going, yung talagang hunger ko sa pagiging artista, sa craft ko,” sinabi pa ni Ashley.
Ilan sa mga kasama nina Ashley at Xian sa nasabing programa ay sina Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Cheska Iñigo, Roxie Smith, Skye Chua, Kim Perez, Ruiz Gomez, Rita Avila, Ina Feleo, at Amy Austria.
Ito ay sa direksyon ni Dominic Zapata.