Advertisers

Advertisers

ACT vs SARA

0 157

Advertisers

Pakialamerong walang saysay din talaga itong nga komunistang-teroristang ACT Partylist, kumana din at binanatan pa ang ating Pangalawang Pangulong Inday Sara Duterte, nang sabihin naman nito na ang transport strike na idineklara ng mga jeepney drivers laban sa modernasisasyon ay likha ng mga turo ng mga komunistang-terorista.

Pinaratangan nitong kinatawan ng ACT na si France Castro si Vice-President Sara Duterte-Carpio ngv”red-tagging”.

Malaking kamalian na naman ito. Una wala o hindi totoo ang salitang red-tagging. Sila mismong mga komunistang-terorista ang nagpauso ng salitang ito. Pangalawa, noong sinabi ni VP Sara na ang jeepney strike ay isang “communist-inspired” na gawaiin, may basehan dito ang Pangalawang Pangulo.



Kasi may mga kasamahan ang ACT sa CPP-NDF-NPA na nagsabi isa nila itong paraan para makalikha ng kaguluhan sa bansa at Magalit ang karamihan sa pamahalaan.

Ang modernisasyon sa transportation ay para sa ikabubuti nating lahat na inilalatag ng pamahalaan base sa ating pangangailangan. Ano ang masama dito?

Kailangan din nating bawasan ang nakasasamang epekto ng polusyon na likha ng mga lumang jeep atbp. sasakyan. Kinakausap at ipinalikiwanag ito ng pamahalaan sa mga apektadong sektor.

Ang dapat na gawin ng ACT Partylist ay maki-isa sa pamahalaan sa paglilingkod sa taong-bayan. Hindi yun basta na lamang ngangawa ng mga maling paratang o’ kanilang posisiyon sa isang isyu.

Kung hindi naman kursunada ng ACT Partylist na maki-isa sa pamahalaan na humanap ng solusyon, eh huwag na sana rin silang dumagdag bilang problema.



Baka sa susunod na eleksiyon pati ang ACT Partylist ay di na iboto ng mga Filipinong talagang nagmamahal sa Inang Bayan.