Advertisers
SUPORTADO ni AnaKalusugan Partylist Rep. Ray Reyes ang panawagan ng World Health Organization (WHO) para sa mas komprehensibong hakbang upang limitahan o mabawasan ang tradisyonal na paggamit ng asin araw araw.
“AnaKalusugan has always been active in pushing for legislation that will promote the health of Filipinos and we are one with the World Health Organization in pushing for more effective strategies to reduce salt intake,” ani Rep. Reyes.
Batay sa pag-aaral ng WHO, sapat lamang sa isang adult o may edad ang komunsumo ng asin na hindi hihigit sa 2,000 mg kada araw.
Gayunman, simula sa buwan ng Oktubre 2022, nakapagtala lamang ang Pilipinas sa paggamit ng asin ng humigit kumulang sa 4,113mg bawat araw.
“Reducing our salt intake will not only improve our health but also lower the risk of high blood pressure, heart disease, stroke, and premature death,” saad pa ng mambabatas.
Ayon pa sa datos ng WHO, umabot sa 20% ng mga Filipinong may edad ang na-diagnosed na may high blood pressure kung saan 35 % dito ang naitalang binawian ng buhay dulot naman ng cardiovascular disease sa Pilipinas.