Advertisers

Advertisers

KADUDA-DUDANG PAG-EKSENA NI LT. GEN. SERMONIA!

0 22,534

Advertisers

KADUDA-DUDA at naging palaisipan sa ilang mga opisyal ng CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP (CIDG) ang biglaang pag-eksena at maagang pag-akusa umano ni PHILIPPINE NATIONAL POLICE(PNP) DEPUTY CHIEF FOR ADMINISTRATION LT. GENERAL RHODEL SERMONIA sa mga operatibang nagsagawa ng raid sa PARAÑAQUE CITY.

Kung mayroon umanong mga nagreklamo sa tanggapan ni LT. GEN. SERMONIA laban sa mga operatiba ay dapat umanong ipinatawag muna ang mga nasasangkot para sa pagsisiyasat at kung may mga pagpapatunay sa mga akusasyon ay saka lamang dapat na iprisinta sa mga mamamahayag kung kinakailangan.

Ika nga, ang PNP ay natutulad sa isang pamilya na kung may nagkakasala ay dapat munang inuusisa ng magulang at kung mapatunayang may pagkakasala ang mga anak ay saka gagawaran ng karampatang pagdidisiplina.



Ang tinutukoy natin ay ang kasong kinasangkutan ng mga tauhan ni CIDG-NATIONAL CAPITAL REGION CHIEF, COL. HANSEL MARANTAN hinggil sa umano’y ROBBERY at EXTORTION sa hinuli nilang mga CHINESE at FILIPINO-CHINESE BUSINESSMEN kamakailan sa PARANAQUE CITY.

Inihayag sa MEDIA ni LT. GEN. SERMONIA na may mga CHINESE NATIONAL umanong nagtungo sa kaniyang tanggapan at inirereklamo ang sistema sa naging police operation ng CIDG-NCR noong March 13.

Habang naglalaro ng MAHJONG sa isang bahay ng mga CHINESE NATIONAL sa PARAÑAQUE CITY ay biglang nagdatingan ang mga CIDG OPERATIVE na umano’y rumesponde sa reklamo ng mga kapitbahay hinggil sa ingay ng mga naglalaro.

Sa isinagawang paghahayag sa MEDIA ni SERMONIA hinggil sa umano’y ROBBERY at EXTORTION ng CIDG-NCR OPERATIVES ay isang HAKA-HAKA lamang ng una na kailangan munang dapat na mapatunayan sa pamamagitan ng ebidensiya.

Dahil sa akusasyon sa mga operatiba ay nagsumite ng resignation si MARANTAN sa kaniyang posisyon para sa patas na pagsasagawa ng imbestigasyon sa kaniyang mga tauhan.., na bukod niyan ay ipinupunto ng mga operatiba na ang pagsisiyasat sa gayong mga kasong kinasasangkutan ng PNP MEMBERS ay saklaw ito ng INTERNAL AFFAIRS SERVICE sa bisa ng REPUBLIC ACT NO. 8551 o ang PNP REFORM AND REORGANIZATION ACT OF 1998, subalit nauna nang umaksiyon si SERMONIA.., na ang pinangangasiwaan nito ay ang OFFICE OF THE DEPUTY CHIEF FOR ADMINISTRATION (ODCA).



Bukod diyan, ang mga inarestong 13 CHINESE NATIONALS ay itinanggi umano ng mga ito ang isyung kinikilan sila ng salapi at nagsumite pa ang mga ito ng kanilang affidavit na hindi sila magsasampa ng anumang kaso na tulad ng kriminal, civil o administrative case laban sa mga operatiba na kahit hinimok sila ni SERMONIA na maghain ng kaso ay tumanggi ang mga ito.

Ipinunto naman ni COL. MARANTAN na.., “By calling for a press conference and making baseless accusations, Gen. Sermonia maligned my person, character, and honor and the whole CIDG NCR. The accusations as disproved by the sworn statements of the arrested Chinese nationals show that were clearly prompted by personal ill-will, spite and/or malice with the object of destroying my reputation and the CIDG and discrediting and ridiculing our image before the bar of public opinion. ., I don’t even have to defend myself . If there are erring policemen by all means we punish them including myself. Ridiculing them in public, bringing the issue over the media pending investigation is so uncalled for, more so, if it’s done by a father of the organization. It is not in the provisions of the PNP Manual I am very sure of that.”

May punto itong si MARANTAN.., e abangan po natin kung ano ang magiging reaksiyon ni SERMONIA sa tinuran ng kaniyang PNPA SEÑOR BATCH!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.