Advertisers

Advertisers

AD Lakers!

0 224

Advertisers

Ang hirap ng naging sitwasyon ni Anthony Davis sa huling sampung segundo ng game nila kontra sa Dallas noong Biyernes. Mangyari mga kinilos ni AD sa end game ang nagpahamak sa kanila sa laban.

Sa depensa ay na-foul niya si Maxi Kleber habang tumitira ng tres. Sa katunayan ang infraction ni Davis ay napunta siya sa landing spot ng German na player ng Mavericks. Na-shoot ang 3 free throws ng 6’10 na power forward.

Sa opensa ng Lakers ay pinaoul agad si LeBrow sa inbound pass sa kanya at isa lang naibuslo niya sa charity lane.



Sa susunod na play ay napabayaan ni Anthony si Kleber sa rainbow territory kaya pumukol mula doon na halos wala ng oras Hayun pumasok ang bola. 1 sa 3 lang o 33% siya sa kabuuan. Nguni’t swak ang last na ikinatuwa ng mga kakampi at kanilang mga tagahanga. Posible pati ang mga koponan na nakadikit sa pangkat ni LeBron James sa standings.

Talo tuloy ang LA dahil sa nga huling galaw ng All-Star big man ni Coach Darvin Ham.

Inako naman agad ang responsibilidad ng pakner ni King James. Siya raw ang may kasalanan.

Pero hindi naman siya sinisisi ng bench tactician ng prnagkisa kundi ang over-all na poor shooting ng buong team sa 15-foot line.

Bale 12 ang hindi nila naipasok. 19 out of 31 lang o 61% kumpara sa Mavs na 15 sa 19 o 78%.



Pwede rin siguro kay Dennis Schroder o kay Austin Reeves sa backcourt napunta ang pasa ng inbounder para makaubos ng oras.

Ayaw din daw ni Pepeng Kirat mapunta sa naging takbo ng laro ni Davis sa dulo. Sino ba may gusto?

***

Dahil sa dalawang sunod na olat ng LA Lakers ay nahulog na sila sa standings ng Western Conference ng NBA.

Mula sa pang-9 ay napunta sila sa pang-11. Mabuti nga at yung iba nilang karibal hindi rin nagpapanalo kaya hindi gaanoang kanilang lagapak.

Yung inakala ng iba na pasok na sila sa play-off kung pinalad ay delikado pa ngayon sa play-in. Add na sana naging minus pa.

***

Malaki rin kasi nagastos ni Ka Berong sa ipinatayong whole court na basketbolan sa kanilang namanang lupa sa probinsya.

Nasa P670,000.00 lahat-lahat ang lumabas sa bulsa ni Kaka. Kabilang na diyan ang pagsemento at pagguhit ng flooring na FIBA-standard ang sukat at may kapal na 6 inches, 2 fiberglass board, 2 snapback na ring na may net na pati ang isang pares na bakal na stand ng board. Nakalibre lang daw siya ng ordinaryong bola sa supplier ng board na nabili niya sa Raon sa Quiapo.

Kaso minalas agad kasi nabasag ang isang fiberglass nang tanggalin na walang suporta ang pabigat dito sa stand.

Ayan dagdag pondo pa kailangan.