Advertisers

Advertisers

PH women’s handball team sasabak sa world meet

0 143

Advertisers

KAHIT kapos sa pondo para paghandaan ang kaganapan, ang Philippine women’s handball team ay gumawa ng kasyasayan upang makapitas ng ticket para sa kanilang unang biyahe sa World Beach Handball Championship na nakatakda sa susunod na taon.

Ang national team, na pinamunuan ng kanilang head coach Jana Franquelli ay nasungkit ang isa sa dalawang spot para makasama ang undefeated Vietnam sa 9th Asian Beach Handball Championship na ginanap Marso 10-19 sa Bali,Indonesia.

Vietnam, Indonesia, HongKong at ang Pilipinas ay maglalaro sa double round na ang top two ay mabiyayaan ng spots sa 2024 World Championship. Ang host country ay hindi pa pinangalanan ng world body ng handball.



Ang national team ay pinadapa ang Hong Kong at Indonesia twice, bago natalo sa Vietnam sa kanilang dalawang pagtagpo. Dahil sa 4-2 card, ang Philippine team ay nagtapos sa likuran ng perfect 6-0 record ng Vietnam.

Mula sa original team na sumabak sa Southeast Asian Beach Handball Championship noong 2017 Dumguete, tanging sina Aurora Adriano at Marilourd Scorro Borja ang holdovers, na ang iba ay kinalap galing sa Army or Navy, or dating basketball at volleyball national team members.

Ang team ay binou noong Enero, na si Adriano ang namuno sa pagpili ng talents para sa women’s handball team.

Sinabi ni Franquelli na inaprobahan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ng bagong chairman Dicky Bachman, ang kanilang biyahe sa bali meet.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">