Advertisers
Umabot na rin umano sa Verde Island sa Batangas ang oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro noong Feb. 28.
Ito ang kinumpirma ni PCG-Batangas station commander Captain Victorino Acosta.
Sinabi ni Acosta na tinatantsa pa ng PCG ang haba ng oil spill sa baybayin ng Verde Isand.
Sinusubaybayan din aniya ang sitwasyon sa iba pang coastal areas sa
Batangas, gaya ng San Juan, Tingloy, Lobo, at Calatagan.
Gayunman, tiniyak ni Acosta na ang probinsya ay naghahanda na at naglagay na ng improvised oil spill booms at iba pang equipment.
Wala pang anunsyo ng fishing ban sa Batangas at hindi apektado ang ro-ro travel, ayon kay Acosta. (Jocelyn Domenden)