Advertisers

Advertisers

Senado ng mga kenkoy at estupido!

0 194

Advertisers

KUNG ang SENADO noon ay binubuo ng pinakamahuhusay na mga mambabatas, ngayon ito’y binubuo ng karamihan ay kenkoy at estupido!

Alam nyo ba na sa 24 Senador ng Republika ng Pilipinas, binubuo ito ng mag-ina, mag-ate, magkapatid sa labas, may high school graduates, may high school dropout, may convicted at ex-convicts, may actions stars at marami ang may kaso ng katiwalian! Opo!!!

Ito ang dahilan kung kaya’t kapag nagkaroon ng mga Senate investigation ay halos walang napapala ang mamamayang Pinoy at walang pinatutunguhan ang imbestigasyon, waste of taxpayers money.



Mantakin mong makakarinig ka ng Senador na nagsasabing: “Kapag hindi naamyendahan ang 1987 Constitution, magbibitiw ako sa puwesto.” Nanakot! Akala mo’y hari na siya ang masusunod. Anong paki ng mga mamamayan kung magbitiw siya? Mabuti ngang magbitiw siya para mabawasan ang kenkoy sa Senado. Fuck!

Sabi niya, ang gusto niya lamang mabago sa ating Constitution ay “economic provisions” para raw hindi na magtaasan ang mga bilihin at hindi puros import ang nangyayari sa bansa. Okey ito!

Eh ano itong binanggit niya sa isang pagdinig ng Senado sa Cebu tungkol sa Charter Change: “Siguro kung nagawa natin ang Con-Con noon, siya (dating Pangulo Rodrigo Duterte) pa ang pangulo ngayon. Sayang!!!”

Nasasalamin ko sa sinabing ito ng kenkoy na Senador na hindi talaga economic provisions ang gusto niyang retokehin sa ating Saligang Batas kundi ang pagpapalawig sa termino ng mga politiko partikular presidente. Animal!

Reaksiyon naman ng isa pang kenkoy at estupidong Senador kaugnay ng pag-isyu ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa pangulo ng Russia na si Vladimir Putin dahil sa kasong pagpupumilit ng huli na hakutin sa Russia ang mga kabataan mula sa ginigiyera niyang Ukraine: “Sino ang aaresto kay Putin sa Russia? Magagawa ba iyon ng ICC sa presidente ng Russia? Giyera yun kapag inaresto si Putin.”



Totoo…si Putin ay maaring hindi maaresto sa sarili niyang bansa. Una, hindi miyembro ng ICC ang Russia. Pero kapag hindi na presidente si Putin at lumabas siya ng Russia, tiyak dadakpin siya lalo kung sa bansang miyembro ng ICC siya magpunta.

Sabi pa ng kenkoy na Senador, na may kinakaharap na kaso sa ICC kasama ang dating Presidente Duterte, kapag sila ay inisyuhan din ng arrest warrant, “giyera yan!”

“Wala akong problema dyan. As I have said, whatever they want to do, they can do. Ang tanong nga lang… sino mag-iimplimenta? Kung papasok sila rito para hulihin, sino manghuhuli? Ibang nasyunalidad, eh malaking giyera yan…at makipaggiyera security forcers natin dito kung papasok sila. Hindi sila welcome by our government.”

Parang gusto palabasin dito ng Senador na ito na untouchable sila, kahit batas pa ang nag-uutos na dakpin sila. Nakalimutan n’ya yata na ang PNP at AFP ay sa Konstitusyon nanumpa ng katapatan sa tungkulin, hindi sa politikong may termimo pasuweldo ng mamamayan.

Si Senador at kanyang amo ay kinasuhan sa ICC dahil sa mga pinagpapatay nila sa “selective” war on drugs noong panahon nila sa Malacanang.

Sabi naman ng netizen na si Rosemarie Arroyo: Ang may kasalanan ng pagkaluklok ng mga kenkoy at estupidong mga senador ay ang botante. Mismo!

Kung ang mga senador na ito ay kenkoy at estupido, mas bugok ang mga naghalal sa kanila.

Mas marami parin kasi sa ating mga kababayan ang mangmang sa paghalal ng mga kandidato, nagpapaniwala sa angas at mga buladas na walang saysay. Ewan!