Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BUMUHOS ang mga positibong komento para kay Alden Richards.
Pinuri ng netizens si Alden na di nang- iiwan ng kasama.
Kung loyalty rin lang ang pag- uusapan ay pinatunayan ito ng Pambansang Bae nang makapanayam siya kamakailan.
May tanong kasi kay Alden regarding sa rebranding ng longest noontime show na Eat Bulaga.
Ang tanong sasama ba si Alden sa new management ng Eat Bulaga if ever may offer sa kanya?
Diretso namang sinagot ni Alden at natuwa ang netizen sa pagiging loyal nito sa Tito Vic and Joey.
Ani Alden na kahit may offer pa ay never daw ito sasama sa new management na pinuri ng netizen ang guwapong aktor at marunong daw itong tumanaw ng utang na loob.
Never daw nito iiwan ang TVJ at ang matagal nang namamahala sa TAPE Inc. na si Mr. Tony Tuviera.
Kung san nga raw ang TVJ at si Mr. T ay doon daw ito sasama.
Dahil naman sa TVJ at sa Kalye Serye kaya nabuo ang tambalang AlDub nila ni Maine Mendoza.
Artista na nga raw noon si Alden pero di pa matunog ang namesung nito at dahil nga sa AlDub ay gumanda ang buhay nito na itinutulong at tumutulong din sa nangangailangan.
Hindi pa nga alam kung ano na ang status ng noontime show kung tuloy ang rebranding ng programa.
***
Kylie inamin, unang nanligaw si Marco Gumabao
HAYAGANG inamin ni Kylie Versoza na hindi naman daw ang ex-bf na si Jake Cuenca ang unang nanligaw sa kanya.
Wala namang takot si Kylie na ipinagwagwagan sa madlang pipol ‘yung unang guy na nag-attempt na ligawan siya.
Inamin na nga nito na si Marco Gumabao ang unang nanligaw sa kanya.
Hindi naman daw sila naging magdyowa ni Marco although di nga raw tumigil ito sa pagliyag sa beauty queen actress.
Kaya naitanong kay Kylie sa isang panayam kung bakit ba di naging sila at mukha pa namang bagay sila.
Sey pa ni Kylie na napakabata pa nila noon at di niya talaga nilagay sa utak na magkadyowa.
Kung naging dyowaer ni Kylie si Marco sa mura nilang edad, malamang di nito magiging bf at ex na ngayon si Jake.
Ngayon nasa tama nang silang edad at handa na bang sagutin ni Kylie si Marco if ever manligaw ito muli.
Makahulugang ngiti lang ang sagot ni Kylie nang maitanong sa kanya kung ligawan siya ulit ni Marco.
Well, well, well… ‘Yun na!