Advertisers
MASIDHING isinusulong ng bagitong senador na si Robinhood Padilla ang pag-amyenda sa ating Konstitusyon.
Noong una, sabi niya, ang “economic provisions” lamang ang kanyang gustong retokehin. Hindi na raw kasi ito angkop sa panahon ngayon. Totoo naman…
Ang kaso…mukhang hindi lang economic provisions ang gustong baguhin ng tinaguriang “Bad Boy” ng Philippine movie na naging politiko. Gusto rin nitong galawin pati ang mga nakatakdang termino sa 1987 Constitution ng mga politiko partikular presidente, dahilan para mawalan ng amor sa kanya ang maraming mambabatas pati si Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Sinabi nga ng “Super-ate” ni PBBM na si Senadora Imee Marcos-Manotoc, “istorbo” lang sa kanilang mga isinusulong na batas at mga programa ang gusto mangyari ni Sen. Padilla. Mismo!
Kung mayroon mang mga dapat baguhin sa ilang piyesa ng ating kasalukuyang Konstitusyon, ito ay ang requirements ng mga kandidato. Opo!
Sa panahon ngayon ng teknolohiya at napakatatalino na ng mga sindikato, hindi puwede na ang requirements lang para sa Presidente, Senador at House of Representative ay: Natural born citizen, able read and write, registered voter, resident of the Philippines for at least (10 years for President, 2 years for Senator, 1 year for Representative), and at least (40 years old for President, 35 for Senator, and 25 for Representative).
Dapat i-require narin ng batas ang mataas na edukasyon ng mga kandidato sa nasyunal partikular sa Presidente at Senador. Mismo!
Kung ang mga nag-aaplay nga ng security guard at promodizer ay nire-require ang college diploma at mga clearance mula sa PNP, NBI at korte, dapat mas mahigpit pa rito ang sa mga gusto maging Presidente, Senador at Congressman dahil pagpapatakbo sa bansa ang kanilang magiging trabaho. Right?
Yung mga may kasong nakabinbin sa korte, hindi sila dapat payagan kumandidato hangga’t hindi nadidismis ng hukuman ang kanilang kaso. Oo! Dahil kapag pinayagan silang makatakbo at nanalo ay posibleng maimpluwensiyahan ng kanilang kapangyarihan ang hukuman, napapadismis ang kaso lalo kung korap ang Judge. Mismo!
Dapat ang isang kandidato ay malinis ang rekord, walang duda, walang mantsa ng kriminalidad. Dapat!
Hindi yung saka lang i-ban sa pagkandidato kung convicted na! Tapos kahit convicted na ay napapalusutan parin ang batas dahil sa impluwensiya. Tulad ng ilang naging Senador ngayon, convicted na pero nakakandidato’t nanalo, may mga nakulong sa Plunder at nakalalaya lang sa piyansa pero nakatakbo at nanalo. Whatta fuck!!!
Ang mas masaklap ay ang presidente. Convicted na lahat lahat sa tax case, pinaboran parin ng korte na makakandidato at nanalo dahil sa… Ewan!
Ito ang dapat ayusin sa ating Saligang Batas, Senador Robinhood Padilla, ang requirements para sa mga kandidato sa nasyunal, hindi ang pagpalawig sa termino ng mga politiko. Okey?
***
Palakpakan natin ang Senador na may akda nitong pagbawal sa ‘No Permit, No Exam’ para sa mga mag-aaral sa pribado at publiko.
Lusot na nga sa 3rd at final reading ang Senate Bill 1359 na nagbabawal sa ‘No Permit, No Exam’ na kasalukuyang ipinatutupad ng mga eskuelahan. Malaking tulong ito sa mga estudyante na halos magmanikluhod para makakuha ng exam kapag walang pambayad sa mga bayarin. Good job, Senators!