Advertisers

Advertisers

DEATH SQUAD SA DAVAO CITY

0 816

Advertisers

BATAY sa sinumpaang salaysay ni SPO3 Arturo Lascanas, mismong si Rodrigo Duterte ang pumili umano sa mga pulis na bubuo sa Duterte Death Squad (DDS) sa kanyang unang termino bilang alkalde ng Davao City noong 1988. Kasama si Police Maj. Ernesto Macasaet sa pagpili umano sa mga hitmen ng bagong tatag na Duterte Death Squad na nakilala kalaunan bilang Davao Death Squad. Hindi sila pinagsuot ng police uniform, aniya.

Ayon sa salaysay ni Lascanas: “At first, during the time of the Ant-Crime Task Force, Mayor RRD personally gave us P10,000 cash money as our reward, which was later increased to P15,000, then to P20,000 for every person killed by our group. These rewards were coursed through Major Macasaet and Sonny Buenaventura, although, sometimes, Mayor Duterte would still give us personally the reward.”

Galante si Duterte sa pabuya na ayon kay Lascanas ay galing umano sa intelligence fund. Ayon kay Lascanas, nagbigay umano ng pabuya si Duterte mula P100,000 hanggang P300,000 at ito ang pinakamaliit at pinakamalaki mula P500,000 at pataas hanggang milyon, depende sa status  ng target, katayuan sa lipunan at tindi ng galit niya. Dumaan ang pabuya mula sa kamay ni Duterte, pababa kay Macasaet at Sonny Buenaventura. Minsan, nagbigay umano si Duterte ng extra tulad ng pagpaslang kay Jun Pala, isang radio commentator na naging kaaway niya, aniya.



Malalim ang papel ni Lascanas sa DDS. Batay sa kanyang affidavit na inisyu noong kasagsagan ng pandemya noong 2020, kasama si Lascanas sa pagplano at paggawa ng mga patayan sa Davao City. Isa siya sa mga pulis na maituturing na malapit umano kay Duterte. Kumalas si Lascanas halos walong buwan matapos naluklok si Duterte sa Malakanyang. Ibinisto niya ang kanyang nalalaman tungkol sa DDS.

Sa sinumpaang salaysay, sinabi ni Lascañas na lumaki umano ang bilang ng mga kasapi sa DDS. Hindi lang pulis mula sa Anti-Crime Task Force. Nagkaroon ng “civilian force multiplier” at karamihan sa kanila ay mga dating kasapi ng New People’s Army, ang military arm ng CPP.

Binanggit ni Lascanas ang mga sumusunod bilang mga multiplier umano: Cris Lanay; Alias “Andong”; Alias “Jopet” at kapatid “Gilbert”; magkapatid na Bebot at Larry Manriquez; magkapatid Tony at Bebot Guinang; Edgar Matobato; Ludy Paguidopon; alias “Boboy Maldito”;  Alejandro Casas alias “Totpik”; Ferdinand Pantinople; Boy Pondoyo at alias Boy TsaTsa.

Kasama sina: alias “Insik”; alias “Yak-Yak,”pamangkin ni SPO4 Fulgencio Pavo; Gerry Trocio; alias “Alex”; Alvin Laud, anak na sibilyan ni SPO4 Ben Laud; dela Cerna brothers (Ayan, Yoyin, at Jong-Jong) at ang kanilang amain na si alias “Long Hair,” bilang mga multiplier sa ikalawang termino ni Duterte bilang alkalde; magkakapatid na Duhilag (Roland, Yan-Yan, Alan, at Valentin), na naging force multipliers/hitmen sa pangatlong termino ni Duterte.

Pinamahalaan umano sila ni SO4 Ben Laud at SPO1 Jim Abragan Tan. Si SPO1 Jim Tan ang namahala umano sa “Mandug mass graves” bilang libingan ng mga biktima at nasa Barangay Mandug ito, kung saan nakatira ang magkakapatid ng Duhilag. Ayon kay Lascanas, tumatanggap ng buwanang sahod at allowance ang mga force multipliers/hitmen mula sa opisina ng alkalde. “Contractual employee” ang item nila sa gobyerno. Sa bawat isang tao na kanilang napapatay, tumatanggap sila ng P3,000 hanggang P5,000 mula sa kanilang mga police handler. Galing umano kay Duterte ang salapi na ibinigay sa mga multiplier.



Ani Lascanas, binuo ni Duterte ang Heinous Crime Task Group Office at pasikretong ibinigay umano ang order kay Sonny Buenaventura at Bong Go upang bumuo at mag-organisa ng kani-kanilang death squad at tuluyang pilayin umano ang lumalaking bilang ng mga gumagamit at nagtutulak ng shabu sa Davao City. Dito isinilang ang kampanyang “Operation Tokhang” ni Col. Bato dela Rosa sa siyudad. Lumaki ang bilang ng Duterte Death Squad at humingi umano si Duterte ng mas malaking intelligence fund, ani Lascanas.

Kinilala ni Lascanas ang mga kasapi ng Heinous Crime Task Group, na naging bahagi ng Davao-City PNP death squad mula 2001 hanggang 2016: Inspector Fulgencio “Boy” Pavo na naging Task Group Commander; SPO3 Reynaldo Capute, Chief Investigator; SPO3 Simplicio Sagarino, Office/Field Investigator; SPO2 Antonio Balolong, Office/Field Investigator; SPO1 Arturo Bariquit Lascanas, Team Leader Field OPN; SPO1 Jim A. Tan, Office/Field Investigator; SPO4 Ben Laud, Team Leader, Special Operations; at SPO1, Ben Furog, Office/Field Investigator.

PO3 Jun Naresma – Intel-Field Operations; PO3 Jun Cabalinan, Office/Field Investigator; PO2 Arnold Dechavez, Intel- Field Operations; PO2 Rizalino Aquino, Intel- Field Operations; PO2 Jovencio Jumawan, Intel- Field Operations; PO2 Enrique “Jun” Ayao, Intel- Field Operations; PO1 Tata Miguellano, Women’s Desk/Finance Officer; PO1 Ronald Lao, Intel- Field Operations; PO1 Jay Francia, Intel- Field Operations; PO1 Reynante Medina, Intel- Field Operations; Sr. Inspector Dionisio Abude Jr., Task Group Commander vice retired Sr. Inspector Fulgencio Pavo.

Ipinahiwatig ni Lascanas na nagpaligsahan umano sa atensyon ni Duterte ang mga opisyal ng pulisya. May sarili silang galaw at namayani kadalasan ang inggit at selos sa kanila. Sikretong binuo umano ni Bato dela Rosa ang kanyang sariling death squad bago ilunsad ang “Operation Tokhang” sa siyudad. Binanggit ni Lascanas ang “inggit at selos” ni dela Rosa kay SPO4 Sonny Buenaventura na malapit kay Duterte. Lumikha si Bato ng sariling tatak bilang director ng Davao City Police Office at ito ang Operation Tokhang sa siyudad.

Ayon kay Lascanas, pinamahalaan ang mass grave ni dela Rosa ni SPO4 Steve Delacruz,” isa sa mga policeman-handler ng kanilang death squad. Kasama sa kanyang death squad ang grupo ni Wangyo Latayada, isang dating NPA sparrow unit hitman at malayong kamag-anak. Isinalaysay ni Lascanas ang isang insidente kung saan ang death squad ni Bato ay naging kakompetensya ng ng DDS. Mayroon operasyon ang DDS, ngunit pumasok ang death squad ni Bato at sila ang nagpatumba sa pinaghihinalaang tagatulak ng droga.

Mayroon death squad si Gen. Vicente Danao na gumawa umano ng mga sumusunod na krimen:

Pagdukot at pagpatay sa mga suspect sa pagpatay kay Richard King;

• Pagdukot at pagpatay sa limang pinaghihinalaang mandurukot sa Toril, Davao City;

• Serye ng pagpatay sa mga dating empleyado ng Toyota-Davao;

• Pagpatay sa dating kasapi ng death squad ng Toril Police Station;

• Pagpatay sa kick-boxer “Ali-Cali,” dating pulis “Docot Nalzaro” at kapatid Fernando Lascanas. .

Hindi lang si Bato at Danao, ang mayroon death squad. Kahit si Lt. Col. Leonardo Pelonia ay may sariling death squad kahit hindi siya masyadong kilala. Sinusunod niya si Duterte sa bawat nais, aniya.

***

MGA PILING SALITA: “IN my talk with the relatives of the EJK victims, the most common explanation why they are bringing the issue of their kins’ deaths to the ICC or whichever forum is to clear the family name. The social stigma brought by their murder carries an enormous weight on their collective shoulders. The loss of the family breadwinners is already a big issue for them. They claimed they could cope. But the social stigma is not easy to address, they said. The family name is very important, they said. Sinira sila ni Duterte, they said in so many words…” – PL netizen