Advertisers

Advertisers

Kontratistang taxi drivers, nagkalat sa provincial bus terminals

0 154

Advertisers

Nakabibilib ngayon ang Land Transportation Office (LTO) na pinamumunuan ni Asst. Sec. Jay ArtTugade, napakabilis nilang umaksyon sa mga reklamong kanilang natatanggal araw-araw lalo na sa online.

Pero higit na tinutukoy natin ay hinggil sa mga driver kung saan nasasangkot sa aksidente. Simula nang maupo sa ahensya si Tugade, marami-rami na siya mga driver na tinanggalan ng lisensiya o binawian makaraang mapatunayang iresponsable ang mga ito.

Mayroon naman, mga sinuspende ng 90-araw o higit pa. ng kanilang lisensiya sa pagmamaneho….at mayroon pang mga bus company na sinuspende sa operasyon makaraang masangkot sa trahedya ang kanilang sasakyan. Isa sa nasampolan nitong Enero ay ang Victory Lines Inc. (VLI) ilan sa bus nila na biyaheng Baguio ay sinuspende sa pagbiyahe ng ilang linggo.



Pero sa ngayon o nitong kalagitaan ng Pebrero ay balik operasyon na ang VLI.

Sa tuwing holidays naman, pinaiigtin ng LTO ang kanilang kampanya hindi lamang laban sa kolorum kung hindi laban din sa.mga abusadong driver ng mga pampublikong maging sa pribadong sasakyan.

Ops reka, linawin ko rin pala…kahit nga pala hindi holidays ay tuloy ang kampanya ng LTO sa mga abusadong driver lalo na sa mga taksi na grabe maningil sa kanila pasahero sa estilong kontrata.

Sa kampanyang ito, hindi na rin mabilang ang mga nahuhuli ng ahensya pero sa kabila ng lahat ay walang takot sa paglabag ang maraming taxi driver…patuloy pa rin sila sa kanilang estilo.

Tulad na lamang ng mga taxi na nag-aabang ng mga pasahero sa mga provincial bus terminal…lahat kontrata ang kanilang laban at walang ni isa ang lalaban ng baba metro.



Kaya tayo ay nananawagan kay Tugade na magsagawa ng operasyon..sekretong operasyon upang mahuli sa akto ang mga tarantadong taxi driver.

sekretong operasyon sa pamamagitan ng magtanim ng isang LTO agent na magpanggap na pasahero. Sa estilong ito, maramingahuhuling driver.

Huwag nang lumayo pa…sa may Victory Line sa Cubao, Quezon City..naku po…umaga’t gabi nagkalat ang kontratistang taxi driver dito na sumasalubong palabas ng terminal. Grabe silang maningil.

Paglilinaw lang ha, walang kinalaman ang VLI sa katarantaduhan ng mga taxi driver, katunayan ay sinisita rin sila ng mga sekyu ng bus company.

Halibawa na lang iyong narasan ng isang kakilala, galing siyang Baguio pauwi sa San Mateo, Rizal. Kung pagbasehan ang metro ay hanggang P280.00 lang ang kanyang pasahe pero sinisingil siya ng P600.00. Hanep, abusado nga ng driver.

Hindi niya pinatulan ito pero dahil sa.walang gusto ng baba metro may nag-alok ng P500.00. Mataas pa rin… hanggang sa nagkasundo sila ng P400.00 na lang.

Napilitan na.lamang ang pasahero dahil sa kagustuhan makauwi.

Malaman hindi lang isa sa araw na iyon ang nabiktima.kung hindi marami sila at tiyak na hindi lang sa nabanggit na lugarayroon ganitong estilo kung hindi sa.lahat ng provincial bus terminal.

Nanawagan tayo kay Asec. Tugade na ikonsidera sa kampanya niya itong mga abusadong taxi driver..madali pong mahuli sa.akto ang mga ito. Magpadala lang kayo ng agents niyo at magpanggap bilang pasahero.

Asec Tugade, sana’y huwag lang tiketan ang mga mahuhuling driver at sa halip suspendihin sila ng lisensiya. Salamat po sa.inaasahang tugon ninyo…pwede ring tanggalan o bawian ng lisensiya at tiyak nawawala na ng mga abusadong ito.