Advertisers

Advertisers

Bangketa bilang parking sa Maynila, legal – MTPB

0 187

Advertisers

ANG pagtatalaga ng bangketa bilang paradahan ng sasakyan sa Maynila ay legal, alinsunod ito sa matagal ng umiiral na ordinansa na isang lokal na batas.

Ito ang binigyang diin ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Adviser Dennis Viaje, na nagsabi na ang kapangyarihan na magtakda ng isang lugar bilang parking area ay nasa hurisdiksyon ng local government unit (LGU), partikular na ang executive department, na hindi humihinto sa paghahanap ng paraan upang ma-accommodate ang dumadaming bilang ng sasakyan sa kabisera ng bansa.

Sa kanyang pagdalo sa ‘MACHRA’s Balitaan sa Harbor View’ Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), sinabi ni Viaje n ang kapangyarihan ng lungsod na magtakda ng lugar bilang parking ay nakapaloob sa mismong ordinansa na siyang lumikha ng c MTPB at ito ay ang Ordinance 8092



“Ang pamahalaang-lungsod, iniisip kung paano maa-acommodate lahat dahil patuloy ang pagdami ng mga sasakyan pero ang mga kalye, di naman dumarami. ‘Yung mga bangketa na may naka-park na motor, may butas po sa gitna ‘yun kasi baka sabihin walang madaanan ang pedestrian. Kahit mas mataba sa akin makakadaan,” paliwanag ni Viaje.

Sinusugan naman ni Liga ng mga Barangay President at Manila Councilor Lei Lacuna ang pahayag ni Viaje na nagsabing ang LGU ang may karapatan na gumawa ng paraan tulad ng pagtatakda ng mga lugar na magsisilbing paradahan ng sasakyan.

“May mga barangay na puro iskinita, mayroong malapad so bawat chairman ay mayroong iba-ibang approach on how to deal with parking problems pero sinisigurado naming alinsunod sa batas,” ayon kay Lacuna.

Sa bahagi naman ni Manila Congressman Joel Chua (3rd district), na isa ring abogado at dating majority leader of the Manila City Council, ipinaliwanag nito na ang LGU ay may kapangyarihan na i-regulate ang mga kalsada at sa paraan ng pagre-regulate dito, “diyan papasok ang ordinansa, ang police power of legislation which is the council, to state alin ang puwede at di pupuwedeng paradahan.”

Sa ilalim ng city ordinance na nagsasaad ng tungkulin ng MTPB, sinasabi na ang kawanihan ay maaaring, mag-establish, operate, maintain and/or administer terminals, parking facilities, bicycle paths, kabilang na ang collection or user fees at charges dito.



“As long as nasa ordinansa, ‘yan ay ibinibigay ng batas. Kung me gusto magtanong, pwede kwestiyunin pero dapat kuwestiyunin muna ‘yung ordinansa na nagbibigay -kapangyarihan sa siyudad para magbigay ng parking,” pahayag ni Chua kaugnay ng mga kumukwestyon sa awtoridad ng pamahalaang lokal sa paggamit ng bangketa bilang parking areas. (ANDI GARCIA)