Advertisers

Advertisers

Kahabaan ng Juan Luna St., pinailawan – Mayora Honey

0 173

Advertisers

DAHIL sa ang mga masasamang elemento ay nagkakanlong sa madidilim na lugar at pati na rin ang iba’t-ibang uri ng krimen, ay inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na tuloy-tuloy ang pagpapailaw sa mga natitirang madilim na bahagi ng lungsod sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ito ang pahayag ni Lacuna matapos niyang pangunahan ang pagpapailaw ng abalang kalye ng Juan Luna sa Binondo, kasama sina third district Congressman Joel Chua, Vice Mayor Yul Servo, City Engineer Armand Andres, City Electrician Randy Sadac third district City Councilors Fa Fugoso, Terence Alibarbar, Apple Nieto, at iba pa.

Nabatid kay Andres na pinailawan ng lungsod ang kahabaan ng Juan Luna mula Muelle dela Industria hanggang C.M. Recto, gamit ang 68 sets ng 200 watts, warmwhite, led streetlights na may 30 feet steel lamp posts.



“Napakahalaga ng pagpapailaw dito dahil puntahin ng tao ang lugar na ito, gaya ng Café 1919 na paborito naming tambayan at dinarayo hindi lamang ng mga taga-Maynila kundi maging ng mga taga-karatig lungsod dahil maganda na ang lugar, masarap pa ang pagkain,” sabi ni Lacuna nang magsalita sa entablado na ginawa katabi ng nasabing restaurant.

Sinabi pa ng lady mayor na ang pagpapailaw ng nasabing lugar ay isang paraan na rin ng pagpa-promote ng mga negosyo dito, pagpapalakas ng turismo na makakatulong sa progreso ng ekonomiya sa lungsod.

“Kahilingan din ng mga barangay officials na mapailawan ang kanilang lugar and this is good for business at para din makaiwas sa mga pangyayaring di kanais-nais kapag ang isang lugar ay madilim,” sabi ng alkalde.

Tiniyak din ni Lacuna na: “Umasa kayo na ang pamahalaang-lungsod ay sisikaping paliwanagin pang lalo ang buong Kamaynilaan to also help maintain peace and order at pag mas maaliwalas ang kapaligiran, maeengganyo ang maraming businesses na magtayo dito.”

Ibinahagi din ni Lacuna na, hindi na mangangamba ang mga pedestrians at motorista kapag sumapit na ang gabi kapag dadaan sila hindi lamang sa Binondo kundi sa buong lungsod.



Ang streetlighting sa abalang kalye ng Juan Luna, ayon kay Lacuna, ay senyal nang pagsisimula ng panibagong hakbang na mapailawan ang buong lungsod ng Maynila habang nagsisikap ang pamahalaang lokal na mapalakas ang turismo sa kabisera ng bansa.

Ang Binondo, ayon kay Lacuna ay isa sa walong tourism hubs sa capital city kung saan nakasentro ang pamahalaang lungsod na mapaunlad. (ANDI GARCIA)