Advertisers
Patay sa saksak ang isang lolo na madaldal na sa inuman dahil sa kalansingan nang mairita ang kainuman na isa rin senior citizen sa Gentree Villa Subd., Brgy. Pasong Kawayan1, Gen. Trias City.
Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Edgardo Katindoy Japon, 64 anyos, at residente ng B35 L12 Gentree Villas, Brgy. Pasong Kawayan 1,Gen.Trias City, Cavite.
Arestado naman ang salarin na si Rufino Doktor Ochoco , 67 anyos, construction worker at residente ng B35 L38 Gentree Villas, Brgy. Pasong Kawayan 1,Gen. Trias City.
Sa imbestigasyon nina Police Corporal Lauren Lubigan at PMaster Sergeant Cristopher Dumlao, ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen.
Nabatid na gabi pa lang nang magsimulang mag-inuman ang dalawa sa bahay ng salarin at inabot sila ng madaling araw sanhi upang parehong sobra nang malasing hanggang sa magkapikunan at nauwi sa mainitang pagtatalo.
Dahil sa pagkairita ng salarin sa sobrang kadaldalan ng biktima, inundayan nito ng sunud-sunod na saksak hanggang sa mamatay ang huli.