Advertisers

Advertisers

P4.9m ismagel yosi, nasabat sa Zambo

0 126

Advertisers

Nasabat ng Bureau of Customs Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang isang motorized wooden vessel na kargado ng hindi dokumentadong sigarilyo na nagkakahalaga ng P4.9 milyon.

Ayon sa BOC-POZ, nasabat ng Enforcement and Security Service (ESS) and Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC) ang bangkang “Jungkong” noong Marso 21 sa dalampasigan ng Barangay Arena Blanco, Zamboanga City.

Lulan ng barko ang apat na crew members mula sa Parang, Sulu at nagmula sa Jolo, Sulu patungong Zamboanga City.



Sa pagsisiyasat, bigong makapagpakita ng legal na dokumento ang mga crew ng barko.

“The 141 master cases of cigarettes were apprehended in violation of Section 117 of R.A. 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016 in relation to Executive Order Number 245 entitled Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products,” pahayag ng BOC.

Inaasahan na ang warrant of seizure and detention mula sa Port of Zamboanga.

Samantala, nangako naman si BOC Commissioner Bienvenido Rubio na patuloy na lalabanan ng ahensya ang mga magtatangka pang magpuslit sa kanilang mas pinalakas na anti-smuggling campaign sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">