Advertisers

Advertisers

UAAP: La Salle muling pinatumba ang NU sa pagbalik ni De Jesus

0 146

Advertisers

PATULOY ang pamamayani ng De La Salle University matapos muling pagulungin ang defending champion National University, 26-24, 26-24, 25-16, upang manatiling malinis ang rekord sa UAAP Season 85 women’s volleyball tournament Sabado sa Philsports Arena sa Pasig City.

Solidong laro ang inilatag ng Lady Spikers upang mabilis na pigilan ang Lady Bulldogs at mapatatag ang kapit sa tuktuk ng standings tangan ang 8-0 rekord.

Magandang panalo ito para sa La Salle dahil nakabalik na sa coaching staff si head coach Ramil de Jesus na nasilayan sa unang pagkakataon sa season na ito.



Winalis ng La Salle ang NU sa dalawang asignatura nito sa eliminasyon sa season na ito.

Nalaglag ang NU sa 5-3 marka.

Sa unang laro, nakabalikwas agad ang Adamson University sa mabagal na simula upang dagitin ang 11-25, 25-21, 25-13, 25-22 panalo kontra sa University of Santo Tomas.

Naglatag ng all-around game si rookie Trisha Tubu na kumana ng 21 puntos mula sa 15 attacks at anim na blocks para buhatin ang Lady Falcons sa ikaanim na panalo sa walong laro.

“Hindi naman magpapatalo ang UST buti nakuha pa rin namin. First set medyo kulang buti nagrespond yung team second to fourth,” ani Adamson head coach Jerry Yee.



Nagdagdag naman si Lucille Almonte ng siyam na puntos, 13 digs at apat na receptions gayundin si Kate Domingo na may siyam na puntos at tatlong receptions.

Bagsak sa 5-3 ang Golden Tigresses.