Advertisers

Advertisers

RK keber kung ‘di original choice sa Rey Valera story

0 432

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AYON sa magaling na aktor na si RK Bagatsing, aware siya na hindi siya ang original choice na gumanap sa film bio ng iconic singer-songwriter na si Rey Valera sa pelikulang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Rey Valera Story. ”
Katunayan, sobrang grateful siya na sa kanya ipinagkatiwala nina Direk Joven Tan at producer Edith Fider ng Saranggola Media Productions na bigyang buhay ang makulay na talambuhay ng isang tinitingalang haligi ng Original Pilipino Music.
“Alam ko. Alam ko po iyon and thankful ako kahit paano naiisip nila ang pangalan ko kapag may roles na ganyan,” aniya.
“Karamihan naman ng roles ko, di naman ako first priority, first choice and it doesn’t matter. I remember si Christian Bale, nagti-thank you siya kay Leonardo di Caprio sa mga roles niya kasi si Leo ang humahakot ng mga roles na laging first choice. Kaya ako, grateful ako kahit paano sinusuwerte at napagkakatiwalaan sa ganitong klaseng proyekto,” dugtong niya.
Bilang paghahanda raw sa kanyang role, nag-throwback din siya sa mga awitin ni Rey Valera.
“Siyempre, in-immerse ko ang sarili ko sa bawat kanta ni Sir Rey Valera. Nanood ako ng mga interviews at concerts niya at collaboration with Direk Joven kung ano ang gusto niyang makita onscreen o kung ano ba ang gusto niyang ikuwento,” lahad niya.
Hirit pa niya, nakaka-relate rin daw siya sa mga kanta ng tanyag na mang-aawit.
“Lahat naman tayo nakaka-relate sa mga kanta ni Sir Rey Valera, depende sa kung ano ang pinagdadaanan mo. Kita mo naman sa dami ng kanta niya, lahat iyon at one point kahit isang linya, isang verse o iyong buong kanta, nararamdaman mo iyon, eh kasi mga totoong tao ang inspirasyon niya tulad nga ng sinasabi niya. Hindi naman iyon experience lang niya pero lahat ng nakikita niya at kakilala niya na ginagawan niya ng kuwento,” paliwanag niya.
Hirit pa niya, ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”, “Tayong Dalawa” at “Malayo Pa Ang Umaga” ang ilan daw sa mga paboritong awitin ni Rey na masasabing theme songs ng buhay niya.
Ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Rey Valera Story) ay kuwento ng iconic singer-songwriter at ng mga totoong taong naging inspirasyon niya sa paglikha ng kanyang musika.
Kalahok sa MMFF Summer Film Festival, tampok din sa all-star cast sina Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, at Gardo Versoza with Rey Valera as the narrator.
Mapapanood na ito simula sa Abril 8 sa mga piling sinehan sa buong bansa.