Advertisers

Advertisers

Marco ayaw na pinupulutan ang relasyon kay Cristine; Jane inamin, saludo kina Angel at Janella

0 157

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MADALAS makita na magkasama sina Cristine Reyes at Marco Gumabao. Kamakailan nga ay nakita rin sila sa Makati na magka-holding hands pa.
Kaya naman sa isang panayam kay Marco, diretsahang tinanong siya kung sila na ba ni Cristine.
“Basta, you’ll find out when the time is right,” nakangiting sagot ni Marco.
Nais lang daw nilang maging pribado ni Cristine sa ngayon.
“Hindi rin naman sa hindi pa right time, pero siguro we’re just enjoying yung time namin na kami muna, wala munang nakikialam, nakikiusyoso.
“Kasi, the reason why I’m very private when it comes to love life is because kapag nalaman ng tao na, for example, you’re dating this woman, maraming makikigulo.
“Maraming eepal, maraming maninira. Yun ang ayoko.
“And at the same time, happy naman kami sa tahimik na buhay.”
Binigyan-diin din ni Marco na wala silang idine-deny ni Cristine sa pagkakamabutihan nila.
“Yeah, hindi naman kami nagde-deny ni Cristine. Of course, napag-usapan na rin namin to, we’re not denying anything.
“Unang-una, wala naman kaming tinatapakan. We’re both single.
“So parang mas masarap na private lang, walang nakiki-usyoso,” aniya pa.
***
SA panayam ni Darla Sauler kay Jane de Leon sa Kumu, tinanong ng una ang huli kung sino ang una nitong naiisip kapag napag-uusapan ang women empowerment.
Ang sagot ni Jane ay si Angel Aquino.
Ibang klase raw kasi ang tapang, talento at ugali ni Angel na kino-consider niya bilang isa sa mga talagang empowered women sa entertainment industry.
Sabi ni Jane,“Si Ms. Angel Aquino, she’s like a mother-ate and bestfriend to me. Si Ms. A kasi ang sarap niyang kasama kasi hindi siya nagdya-judge ng ibang tao,” papuri ng dalaga sa award-winning aktres na hindi tumatanda kahit nadadagdagan ng edad.
Patuloy niya,“Yung nagustuhan ko sa kanya nili-lift up niya lagi ‘yung mga kasama niya, mga co-artist niya at tinutulungan niya lagi and isa ako roon that’s why I’m really blessed. Up until now mayroon pa rin kaming communication.
“Sobrang humble niya talaga at hindi mo mararamdaman na may ere siya, sobrang bait niya talaga. Nanay siya for me, eh.”
Ang isa pa sa hinahangaan ni Jane sa pagiging matapang at palaban ay ang co-star niya rati sa Darna na si Janella Salvador na gumanap bilang Valentina. Aniya, ibang klase ring babae ang celebrity mommy.
Sabi niya patungkol kay Janella, “I really do love her because of being a strong person and despite of everything na nangyari rin sa kanya, naging mother siya and ‘yung kanyang ex-lover, nakita ko ‘yung progress niya, eh kung paano siya naging strong woman.”