Advertisers

Advertisers

Di lang pang-aksyon…Sen. Lito napabilib ang direktor sa husay sa drama

0 162

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

FIRST time na makatrabaho ng Cannes best director na si Brillante Mendoza ang butihing senador na si Lito Lapid sa “Apag” na kalahok sa first summer Metro Manila Film Festival.
Ayon sa internationally acclaimed at award winning director, kinabahan daw siya noong unang ma-meet niya ang actor turned public servant.
“Nung una, kinakabahan ako. Kasi una, Sen. Lito Lapid na siya, hindi na siya yung dating si Leon Guerrero, kasi senador na siya,” paliwanag ni Direk Brillante.
Gayunpaman, hindi raw niya inaasahan na ganoon kalalim na actor si Senator Lito na napakalaki pala ng ibubuga pagdating sa drama.
“Ang akala mo, sa action scenes lang siya magaling kasi mas nakilala siya as an action star. Pero, ako mismo, nagulat sa kanya, “ sey niya.
Bumilib din daw siya sa work ethics ng senador habang nasa shoot sila.
“Siya itong nag-aadjust. Napaka-down to earth niya. Hindi mo iisiping senador siya, eh. Kaya yung expectations mo sa kanya… yung respeto ko sa kanya, lalong tumaas,” bulalas ng direktor. “Nag-iiba tuloy yung pananaw mo sa kanya. Very down to earth. Tanggap mo yung sincerity niya bilang tao,” dugtong ni Direk Brillante.
Humanga rin daw siya sa pagiging natural actor ng senador na gumaganap bilang Kapampangan businessman sa pelikula.
“OK siya. Kasi relaxed nga kami sa ano, alam mo yun. Ano kasi siya, Kapampangan,” aniya. “Malalim siyang mag-Kapampangan. Yung usong Kapampangan nung unang panahon, ganun siya magsalita. Minsan pati ako, naaano ako sa Kapampangan niya. Magaling siya,” hirit niya.
Sa pelikula, ginagampanan ni Lito ang papel ng Tuazon patriarch na inako ang pagkakasala ng kanyang anak na nakasagasa ng isang tricycle driver na tinakbuhan ang pananagutan.
Nanalo siya bilang best actor sa Luna awards noong 2003 para sa historical epic na “Lapulapu”.
Bilang pagpupugay ni Direk Brillante sa kanyang Kapampangan roots, itinatampok din dito ang iba’t ibang putahe ng rehiyon.
Pinagbibidahan ang pelikula ng mga bigatang actor tulad nina Coco Martin, Jaclyn Jose, Lito Lapid, Gladys Reyes at Mercedes Cabral.
Kasama rin sa supporting cast sina Julio Diaz at Ronwaldo Martin.