Advertisers

Advertisers

INTERLINE STAFF SA JETSTAR BOARDING, PINAPAHAMAK SI GM CHIONG

0 162

Advertisers

Noong Marso 28 ay nag-abroad ang aking pamangkin, asawa niya at ang baby nila na limang buwang gulang pa lamang, lulan ng Jetstar patungong Narita, Japan.

Mahimbing nang natutulog ang kanyang anak nang sila ay tawagin na para sumakay na ng kanilang 12 a.m. flight.

Sa Gate 16 ang boarding gate ng kanilang flight, kung saan kailangan kang bumaba ng hagdan. Dahil mahimbing nang tulog ang baby nila sa stroller, ie-elevator sana nila ang bata nang hindi pumayag ang guwardiyang babae.



Sabihin daw muna sa airline para sunduin sila ng taga-airline sa departure area patungong Gate 16 na nasa arrival area. Sinamahan ko ang aking pamangkin para makiusap sa airline staff sa Gate 16 pero tumawag ang asawa niya at sabi, pinapayagan na silang mag-elevator ng lady guard sa itaas, na di rin namin maunawaan kung bakit di kaagad pumayag gayung puwede naman ito kung tutuusin.

Maari naman sanang kinarga na lang nila ang bata para mag-hagdan pero di ito maaring magising dahil grabe lakas kung umiyak at matagal bago mapatahan at baka mabulahaw ang ibang pasahero kaya nila inisip isakay ng elevator habang tulog.

Naisip kong sunduin mula elevator ang baby para hindi na sila maghanap pa kung saan pupunta, pero hindi pumayag ang taga-arrival interline na si Merelle Joy Arenga dahil hindi daw pede ang media doon. Sinabi ko na aming green access ID ay may nakalagay na 1,2,3,4 na green color na ibig sabihin ay pwede kami sa Terminal 1, 2,3 at 4.
Ayaw pa rin maniwala ni Arenga. Pinaki ko na lang sa Jetstar staff at agad naman hinanap sa arrival area ang batang 5 months old kasama ang ama nito. Ayun, naligaw ang tao nila dahil nung bumalik ito sa boarding gate ay nasa loob na ang bata kasama ang ama. Samakatuwid , hindi sila nagkatagpo.
Di diyan natatapos ang kapalpakan ni Arenga. Sabi niya ulit, hindi daw pupuwede ang media sa boarding gate at dapat daw may kasulatan kaming hawak na pupuwede kami duon.

‘Yan ay sa kabila nang maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakalagay sa ID ng airport media na pirmado mismo ni MIAA General Manager Cesar Chiong. Ang green access sa aming ID ay ang mga areas na pupuwedeng puntahan ng media at lahat ay sakop nito, maliban lamang sa rampa.

Di na mabilang ang GM na dumaan sa airport at aming na-cover pero ngayon lang ako naka-engkwentro ng taong naghahanap ng kasulatan na nagsasabi daw na pupwede kaming magawi sa boarding gate.



Nang siya ang aming hanapan ng kasulatang nagsasabi na kailangan naming magprisinta ng sinasabi niyang sulat at kung kaya niyang patunayan na may ganoong utos ang airport management, itinuturo na ni Arenga ‘yung kanya daw kausap sa radyo dahil ‘yun daw ang me utos na hanapan ang media ng kasulatan.

Nang tanungin kung sino ang kausap niya sa radyo, matagal bago ito sumagot at kinailangan pang tanungin ulit. ‘Eron’ daw ang kausap niya at boss niya. Nang tanungin ulit kung ano apelyido at posisyon nung ‘Eron’ na sinasabi niya, ang sagot ni Arenga ay taga ‘Macro’ daw pero di niya alam ang apelyido dahil pangalan lang daw ang tawagan nila. Hahaha.

Kakatawa lang na boss mo at kausap mo araw-araw sa radyo, ni di mo alam ang apelyido? Umalis siya para alamin daw ang apelyido ng kausap (kahit puwede namang tanungin sa radyo kung totoong di niya alam apelyido). Nung makita namin siyang muli, tinanong namin ano na apelyido nung ‘Eron’ at muli, matagal bago ito sumagot ng ‘Lakay’ daw.

Pagtapos niyan, nakuha pang manakot ni Arenga na magsasabi daw siya sa APD. Asus!

Paano ako makukumbinsi na iniutos kay Arenga ang paghahanap ng kasulatan mula sa media eh ni wala siyang kasamahang nanindigan para sa kanya at kausapin kami. Ibig sabihin, siya lang ang may gawa-gawa ng sinasabi niyang regulasyon at nung siya ang hanapan ng pruweba na me ganong regulasyon, kung sino-sino na ang itinuturo. Sa ganang akin , hindi naman ako pumapasok sa boarding gate nang walang dahilan.
Kaya ako nagpunta doon ay dahil sinabi ng guard sa departure area na magpapunta ako ng taga-airline para sunduin pababa ‘yung bata. Kaya nakiusap ako kay Arenga since sya ang sumalubong sa akin. Sigurado akong pwede ang ID namin hanggang duon dahil kung hindi, di ako pabababain ng lady guard para magpasama sa taga- airline.
‘Yan ang problema sa ilang taga-airport. May ilang gumagawa ng sariling regulasyon tapos ituturo sa itaas kapag nakuwestiyon o naipit at nabuking na nagpa-power trip lang.

Ang siste, pag itinuro sa itaas, automatic na sa opisina ni GM Chiong ang bagsak ng sisi. Mabuti na lamang at alam ko at ng mga kasamahang in-house media na walang ganoong regulasyong inilalabas si GM Chiong, na kailangang magdala ng kasulatan ang media para patunayan na puwede silang magpunta sa mga areas na kung saan naman talaga sila pinapayagan batay sa ID na inisyu sa kanila.

Ang mga kagaya ni Arenga ang nagpapasama sa magandang palakad ni GM Chiong. Paano kung di ko alam ang totoo? Eh di magtataka pa ‘ko kung bakit kailangan ng kasulatan kung saan pupuwede ang media gayung si GM din ang nag-isyu ng ID na nakalagay nga green access. Nakakaloko itong si Arenga. Alam ba talaga ni Arenga ang trabaho nya?

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.