Advertisers

Advertisers

Truck sumalpok sa bahay: 6 patay, 23 sugatan

0 145

Advertisers

Patay ang kambal na babae at 4 pa habang sugatan ang 23 nang tumaob, nagpagulong-gulong at sumalpok sa isang bahay ang sinasakyang trak ng mga ito nitong Miyerkules ng umaga sa sa Sitio Daap sa Barangay Sangali, Zamboanga City.

Kinilala ang nasawi na isa sa kambal na si Nursiya Taring, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kapatid nito at iba pang namatay.

Patuloy namang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center ang mga sugatan kabilang ang driver ng trak na kinilalang si Banny Molina Martinez Jr., 26, at lahat mga trabahador ng Aquatic Food Manufacturing Corp., sa naturang lungsod.



Ayon kay Lt. Col. Paul Andrew Cortes, ng Zamboanga City-PNP, 5:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Barangay Sangali, ng nasabing lungsod.

Sa report, sakay ang mga biktima ng company truck papasok sa trabaho nang mawalan umano ng kontrol sa manibela si Martinez sa pakurbadang bahagi ng nabanggit na kalsada.

Dahil dito, tumaob ang trak at nagpagulong-gulong sa kalsada na nagresulta ng pagkasugat ng mga biktima.

Isinugod naman sa nasabing ospital ang mga biktima subali’t idineklarang dead-on-arrival ang kambal ng umatending doktor na si Dr. Afdal Kunting.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">