Advertisers

Advertisers

MGA EMPLEYADO GINAWANG TIMAWA SA FIELD TRIP!

0 4,992

Advertisers

Kawawa naman ang mahigit isandaang EMPLEYADO mula sa isang bayan ng GUIMARAS PROVINCE na inaya ng kanilang MAYOR para sa FIELD TRIP ay pinagmistulang TIMAWA sa dinanas na hirap at gutom sa naging pamamalagi sa BAGUIO CITY kamakailan.

Sa info ng ARYA BUBUYOG.., ang SWITIK na MAYOR ay nag-aya umano sa mga empleyado para sa FIELD TRIP na ang kanilang papasyalan ay ang BAGUIO CITY.., at ang ipinanghikayat daw ng MAYOR ay makatatanggap ng tig-P15,000.00 bawat isa para sa kanilang 3-DAY FIELD TRIP.

Siyempre pa, tuwang tuwa ang mga empleyado at 150 sa mga ito ang nagsisama para ma-experience at mapasyalan ang tinaguriang SUMMER CAPITAL OF THE PHILIPPINES.., at least pansamantalang makakapagrelax ang mga ito sa ibang lugar.



Gayunman.., taliwas sa inaasahang makakapagrelax ang mga empleyado dahil sila ay hindi nireserbahan ng hotel o bahay man lamang na kanilang matutulugan at kahit malamig sa lugar na kanilang tinungo ay makakapaligo pa rin ang mga ito na nakagawian ng mga PINOY na araw-araw ay nakaliligo.., kaya hayun ang mga pobre PANASPU-NASPU na lang ng face towel sa kanilang mukha.

Kamusta naman daw si MAYOR…, hayun, naka-check-in sa isang hotel samantalang ang mga empleyado ay nagtiis sa kung saang lugar makapagpaparada at nagtiis ang mga ito na natulog sa dala nilang service van.

Heto pa.., ang sarap daw ng almusal, tanghalian, hapunan at minimeryenda ni MAYOR samantalang ang mga TIMAWANG EMPLEYADO ay nagtiis sa gutom dahil isang beses na lang daw sila nakakakain.. kasi nga ay iyon ang kasya sa pera nila na hanggang karinderya lamang sila.

Ang ipinangako kasing tig-P15,000.00 bawat Isa ang matanggap ay tig-P3,000.00 na lamang ang ibinigay sa kanila ng SWITIK nilang MAYOR.., bale tig-P1,000.00 per day na lang ang natanggap ng mga pinag-TIMAWAng empleyado.., tsk-tsk-tsk, kung nagkataong Isa ako sa mga empleyado e may kalalagyan ang SWITIK na MAYOR dahil pipiktyuran ko ang perang ipinamudmod at hihimukin ang mga kasamang empleyado na gumawa ng affidavit sa kinasapitang pagiging TIMAWA at ang affidavit e gagamitin para ireklamo sa. DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) o kaya naman e ireklamo sa MALACAÑANG.., yun nga lang kung ang MAYOR e maimpluwensiya sa PRESIDENTIAL PALACE e sa SOCIAL MEDIA ko na lang ilalabas ang mga video footage para ilantad sa publiko.., hindi lamang sa ating bansa kundi para mapanood at maging viral sa buong mundo ang SWITIK na MAYOR hehehe.

Ang siste pa.., kung abutin ng tawag ng kalikasan ang mga empleyado tulad kung sila’y madudumi e humahanap sila ng restoran o hotel na maaaring makapasok sila para makagamit ng COMFORT ROOM…, hehehe dapat kinaladkad nila ang MAYOR at isinalaksak sa inodoro nyahahaha!



May ilang mga empleyado ang gustong magreklamo.., yun nga lang e nangingilag sila sa kanilang MAYOR.., naku at ang mga empleyado pa ang nahihiya o ayaw lumantad sa pagrereklamo.. e narito po ang ARYA, bigyan nyo ko ng mga ebidensiya at videos sa FIELD TRIP nyo sa BAGUIO CITY at hindi naman malalaman kung sino kayo dahil uutusan naman po natin ang mga ARYA BUBUYOG na magsitungo sa MALACAÑANG at ipanood ang videos ng SWITIK na MAYOR hehehe!

Ika nga.., kung BALATUBA ang inyong MAYOR e BALATUBAIN nyo na rin sa paghahain ng reklamo para matigil ang KATIWALIAN ng MAYOR… sa klarong litanya “WALANG MAKAPAMBABALATUBA SA MGA WAIS NA MGA EMPLEYADO!’

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.