Advertisers
MATAPOS ang matagumpay na kampanya sa Albania, ang national team ay muling makipagtagisan sa Asian Youth and Junior Championship na nakatakda simula Hulyo 28 hanggang Agusto 5 ngayon taon sa New Delhi, India.
Prince Keil Delos Santos, Eron Borres, Angeline Colonia, Rosalinda Faustino and Albert Ian Delos Santos — lahat gold medal winners sa International Weightlifting Federation (IWF) Youth World Championships sa Ramazan Njala Sports Complex sa Durres City, Albania — ay dumating sa Manila Huwebes ng gabi.
Prince Kiel Delos Santos at Borres, parehong 15 years-old, ay lumahok sa men’s 41kg category.
Delos Santos ng Angono,Rizal ang namayani sa snatch (92kg) at sumegunda si Borres sa clean and jerk (113kg) na may best total na 205kg.
Borres, na produkto ng Cebu City grassroots program, ay naging impresibo sa kanyang unang international tournament. Nagsumite ng second-best total (201kgs) nagtapos third sa snatch (87kgs) at first sa clean and jerk (114kgs).
Borres,na grade 9 student sa Carreta High School, ay gold medalist sa Philippine Sports Commission- organized Batang Pinoy National Championship sa Baguio City sa 2018 at Vigan City,Ilocos Sur sa 2022.
Delos Santos,anak ng dating national lifters Alvin at Diwa, kinalawit ang gold medals sa clean and jerk (149kgs) sa men’s 61kg category.
Ang Grade 11 student sa Universidad de Zamboanga ay naging miyembro ng youth team sa 2020 at lumahok sa 2021 Youth World Championship sa Saudi Arabia.
Dinomina ni Colonia ang snatch (72kgs) at second sa total (155kgs) at silver medal sa clean and jerk (100kgs) sa women’s 55kg category.
Masaya si Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella sa naging accom[lishment ng kanyang atleta.