Advertisers

Advertisers

P12m shabu nasabat sa Quiapo

0 210

Advertisers

Aabot sa mahigit P12 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa isang high-value target sa lungsod ng Maynila.

Sa ulat, nasabat ng mga operatiba mula sa Barbosa Police Station ang mahigit P12 milyong shabu sa isang apartelle sa Barangay 391, Quiapo, ng nabanggit na lungsod.

Target ng naturang operasyon ang suspek na kinilalang si Salahudin Baumal alyas Kulot, kung saan tatlong araw na itong minamanmanan ng mga pulis.



Kasalukuyang nagpapatuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad upang matukoy kung saan kinukuha ang ganoon kalaking suplay ng droga ng naturang suspek.