Advertisers
Ako po si Patrolman John Andrei Montes Estrada, 23, naka-distino po sa PNP – Anti-Kidnapping Group, Camp Crame Quezon City na humihingi ng tulong sa aking mga sinapit sa kamay ng mga PNP-AKG personnel. Ngayon lang po ako nagkaroon ng lakas ng loob upang ilabas o ireklamo ang mga nangyari sakin sa loob ng ilang buwan sa nasabing unit. Napanguhan po ako ng takot dahil sa mga banta na natatanggap ko sa kanila. Ilalahad ko po ang mga nangyari sa aking salaysay na ito. Thursday, 1:00pm, Regional Special Training Unit 3 (RSTU 3) Building 7372, Gil Puyat Ave. Clark Free Port Zone, Pampanga. Nangyari ang pambubugbog ni POLICE MAJOR MARIO M FORMENTO sa iba pa naming mga kasamahan na police trainees Field Training Program o FTP Phase na po kami ng hinatid kami ng unit namin na Anti-Kidnapping Group (AKG) kasama po dito sila POLICE MAJOR MARIO M FORMENTO. Dito naganap ang walang- awang pambubugbog sakin ni POLICE MAJOR MARIO M FORMENTO. Tinanggap ko ang kaliwat kanan suntok saking sikmura at lagpas limang beses pag tadyak sakin ni PMAJ MARIO M FORMENTO na muntikan ko nang ikawalang malay dahil sa lakas ng pag sipa gamit ang makapal na combat shoes habang ginagawa niya ito sa harap ng stage ng RSTU 3 at sa harap mismo ng mga ka-batch kong trainee. Habang binubugbog niya ako ay nasisilayan ito ng aking ina na nag-aantay sa sasakyan upang makuha ang graduation picture ko. Patuloy sa pag iyak ang aking ina dahil nakikita ng aking ina kung paano ako bugbugin ni PMAJ MARIO M FORMENTO.
Ang caution daw niya sakin ay ang pagsunod ng aking magulang at kapatid sa RSTU 3 na may pahintulot ni POLICE MAJOR VICKY PABULA dahil siya po ang nakausap ng aking ina na humingi ng permiso na kung maari makuha ang ibang gamit ko at pumayag naman si PMAJ VICKY PABULA dahil kilala naman niya ang aking ina na si Sheila Montes Estrada. Hanggang sa matapos ang paghatid ng tropa ng AKG naramdaman kong manhid na ang aking bandang singit. Binaliwala ko lang ito hanggang sa kami ay nasundo na ng aming FTO na sila PCMS Arnold Cultivo at PSMS Carlito Mendoza ng Meycauayan Police Station. Matapos ang aming biyahe galing Clark, Pampanga narating na namin ang Meycauayan, Bulacan at agaran nagbaba ng mga aming gamit.
Matapos po naming ibaba kami po ay nagkanya-kanyang bihis na upang makapagpahinga.
Dito ko na napansin ang aking kulay violet na mga pasa at namamaga pa ang mga ito. Hindi ko ito sinabi sa aking mga FTO sa takot at sa mga banta sakin ni PMAJ MARIO M FORMENTO. Halos tatlong linggo ko ininda ang hapdi bago ako naka- recover, kaakibat po nito ang mga kuha na litrato ng aking pasa. Tatanggapin ko po sana kung papapelan nalang niya ako o kakasuhan niya ako saking nagawa. Sa pangyayari pong ito pasok po ito sa Republic Act No. 11053 Anti-Hazing Law at Conduct Unbecoming bilang opisyal ng PNP – AKG.Hindi po ito makatarungan at bilang bagong pulis na mismong opisyales namin ang sumisira saming mga moral at punong puno po ako ng takot sa nangyari at ginawang mga banta sakin ni PMAJ MARIO M FORMENTO.Nais ko po humingi ng tulong magsampa ng kaso at makamit ang hustisya at kadahilanan ito ng aking pag AWOL dahil sa mga banta sakin ni PMAJ MARIO M FORMENTO sa mga pananakot niya sakin kapag nakikita niya ako sa opisina ng PNP – AKG, Luzon Field Unit sa Camp Crame. Nung makabalik na kami ng Camp Crame mismo sa PNP-AKG Headquarters December bago mag-Pasko sa Camp Crame, ilang niya ako tinawag upang pagtripan at ipahiya sa ibang personnel ng PNP-AKG.Puro kasiraan ang gusto niya naririnig saking mga ka-batch na magkaron siya ng dahilan upang mabugbog ulit ako. Christmas Party binubugbog parin kami at pinagti-tripan ng mga personnel na sila PSMS Arnold Pangilinan Aromin, kasama dito si POLICE MAJOR CATHEDRAL dahil sila ay mga nakainom na tinawag kami isa-isa at nakatikim ng mga malalakas na suntok sa amin sikmura at ipapatungga ang nakalatang red horse pila silang tatlo kasama sina PEMS Noli C. Falguera dalawa kami naisalang ni Patrolman Jobie Parohinog sabay kami sinusuntok at naka ilang ulit kay Pat Parohinog dahil uma-aray siya dahil sa sakit ng pag suntok nila samin ni Patrolman Parohinog nakunan rin po ito ng CCTV dahil meron po sa parking area ng AKG. Matapos nito mga ilang buwan sumunod pa dito ang pag hagupit saming talampakan ni POLICE CAPTAIN ALLAN DALE GINES ng PNP – AKG, Luzon Field Unit dito ako umuuwi ng may pasa at masakit ang talampakan dahil sa paghahagupit samin ni PCAPT ALLAN DALE GINES. Bilang ebidensya meron pong CCTV footage ang War Room po ng LFU. Napansin po ng aking ina ang mga galos na sinapit ng aking talampakan at agaran sumugod sa PNP – AKG upang magreklamo at makausap ang director naming na si PBGEN RODOLFO B DIMAS na hindi na tama itong nangyayare. Naka GOA B po kami nung hinahambalos kasama ko mga ka-batch ko assigned rin sa LFU na walang lakas loob magsabi dahil napapag-unahan ng takot.
At dito na nagsimula na pag-initan ako ng mga PNP – AKG personnels at ma-bully sa formation na kung anu-anong mga sinasabi nila about nangyari at pagpunta ng aking ina kasama dito ang mga opisyales na nambubully sakin sa DPAR pati na rin si PEMS Noli Caltenza Falguera, GESPO.
Kaya ako po ay nagkasakit mental torture at under medication po ako ng PNP – HEALTH SERVICE, PSYCHIATRY DEPARTMENT at ang aking doctor na si PLTCOL JANETTE B. BAUTISTA, MD, MPH at Psychologist na si PLT CHERRY KALBI. Meron po akong Post Traumatic Stress Disorder o PTSD na nakuha o sa mga sinapit ko sa kamay ng mga PNP – AKG personnels.
At ginawan po ako ng order patungo sa Visayas at nasa medical certificate ko po na under medication po ako at unfit to travel. Sana po mabigyan nyo ng hustisya ang nangyari saking career dahil sa mga banta ni PMAJ MARIO M FORMENTO. Natatakot ako sa seguridad ng aking pamilya gawa ng mga banta niya sakin. Isa rin po ito sa dahilan ng aking pag-AWOL ng ilan buwan dahil sa mga banta sakin ni POLICE MAJOR MARIO M FORMENTO. Ipinagdadasal ko po na sana makabalik na po ako sa serbisyo at makamit ko po ang hustisya sakin mga masamang naranasan sa kamay ng mga opisyales ng PNP-AKG at makaalis sa Anti-Kidnapping Group at malipat sa ibang unit upang makapag serbisyo ng maayos. Mahal ko po ang pag seserbisyo sa bayan lalo na ito ang aking sinumpaan tungkulin bilang isang pulis.
Lubos pong gumagalang
Pat. John Andrei Montes Estrada, RCrim.
Unang bahagi pa lamang ito ng reklamo sa nagaganap na hazing sa loob ng PNP- AKG.
Sisikapin nating makuha ang ilang pang reklamo ng mga baguhang pulis na dumanas din ng hazing mula sa mga power- tripper nilang opisyal.
Sigurado tayong marami pa ang lalantad.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com