Advertisers

Advertisers

Jeep nahulog sa bangin: 3 patay, 7 ang sugatan sa Quezon

0 241

Advertisers

Macalelon, Quezon – Tatlo ang nasawi at pito ang nasugatan na pasahero ng isang jeepney nang mahulog ito sa bangin Sabado ng hapon sa Barangay San Nicolas ng bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Markus Orillenida at Noel Orillenida III na kapwa estudyante, at Melvin Villaraza; habang ang mga nasugatan ay kinilalang sina Noel Orillenida II, driver; Nelanie Orillenida, Regie Crispo, Anthony Albarico, Lorenzo Abrencillo, Romnick Crispo, at Rustom Crispo.

Sa ulat ng imbestigador ng Macalelon Municipal Police Station, lulan ang mga biktima ng jeepney at habang tinatahak ang matarik na bahagi ng lugar ay nawalan ng kontrol ang driver sa manibela, dahilan para nahulog ito sa bangin.



Kaagad namang nagresponde ang Gumaca MDRRMO at 85th Infantry Sandiwa Batallion ng Armed Forces of The Philippines gamit ang mga ambulansya at military truck at dinala ang mga biktima sa Gumaca Municipal Hospital. (MARK OBLEADA/KOI LAURA)