Advertisers

Advertisers

Kampanya vs terorismo, lalong pinaigting ng RECU-NCR sa Kalakhang Maynila

0 276

Advertisers

Lalong pinaiigting ng Regional EOD and Canine Unit-National Capital Region (RECU-NCR) sa pangunguna ni PLTCol Reynaldo T. Helaga, Officer-In-Charge ng nasabing unit ang kampanya laban sa terorismo sa Kalakhang Maynila.

Ang naturang special unit na ito ang siyang namamahala sa anumang banta sa seguridad lalo na sa mga pampasabog o tinatawag na Improvised Explosive Device ng mga teroristang grupo na walang ibang mithiin kung ‘di ang magdulot ng kaguluhan at pagwasak ng buhay ng mga tao.

Ipinamamalas ng RECU-NCR ang walang kapaguran at tiyaga sa pagbabantay sa mga tulad ng MRT/LRT, PNR, terminals at sa mga matataong lugar na malaki ang tsansang mapigilan ang terorismo o maging ang ibang masasamang-loob na gumawa ng karahasan sa kabuoang lugar ng Maynila.



Sa pagpasok ng Mahal na Araw, kung saan marami ang luluwas ng Maynila upang magbakasyon sa kani-kanilang probinsya, patuloy ang RECU-NCR personnel na makikita sa lansangan kasama ng ibang ahensiya tulad ng NCRPO upang paniguraduhing maayos, tahimik at ligtas ang mamamayan laban sa kasamaan.

Sa talumpati ni PMGen. Jonnel C. Estomo, Deputy Chief PNP for Operations, sa ginanap na 7th PNP-EOD/K9 Group Founding Anniversary nitong April 5, 2023 sa Camp Crame bilang isang Guest of Honor and Speaker, nais niyang ibahagi ang kanyang nasimulan at isagawa ng mga kapulisyahan ang binabanggit niyang ‘battle cry’ na, S.A.F.E. (Seen by the people, Appreciated by the people, Felt by the people with Extra-Ordinary Actions).

Inatasan ni General Estomo ang Director ng PNP-EOD/K9 Group na si PCol. Albert G. Magno na pangunahan sa kanyang pamumuno ang mga tauhan na maging ‘visible’ sa lahat ng oras sa mga sulok ng Kamaynilaan upang maramdaman ng mga mamamayan ang presensiya ng mga kapulisan para sa kanilang kapanatagan at ang seguridad.