Advertisers
INANUNSYO ng National Economic Development Authority (NEDA) na bumaba sa 7.6% ang kabuuang inflation rate sa bansa nitong Marso mula sa naitalang 8.6% nuong buwan ng Pebrero.
Batay sa Philippine Statistics Authority, malaking bahagi ng pagbaba sa inflation ay dahil sa pagbaba ng presyo ng heavily-weighted food at non-alcoholic beverages. Itinala ng ahensya na 8.3% ang average inflation rate para sa first quarter ng taong 2023.
Tiniyak naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa publiko na committed ang gobyerno na tugunan ang root causes ng mataas na presyo ng mga pagkain na naging sanhi sa pagbulusok ng inflation nuong mga nakaraang buwan.
Paliwanag ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang sanhi ng downtrend ay dahil sa deceleration ng pagkain at transportation costs.
Bumaba ang inflation ng pagkain sa 9.5 porsiyento noong Marso, kumpara sa 11.1 porsiyento noong nakaraang buwan.