Advertisers

Advertisers

SAH, champion sa Digital Governance Awards 2022

0 200

Advertisers

IPINAGMAMALAKING inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na sa ika-ilang ulit na pagkakataon, ang Sta. Ana Hospital (SAH) sa pamumuno ng director nitong si Dr. Grace Padilla ay muli na namang nagdala ng karangalan at kasiyahan sa pamahalaang lungsod.

Sinabi ng alkalde na sa katatapos na Digital Governance Awards 2022, ang Sta. Ana Hospital ay tinanghal na kampeon sa city level interoperability G21 category, at tinalo nito ang ibang mga lungsod sa bansa.

Ang first place award sa Government Internal Operations (G2I) category ay tinawag na , “Digitalizing Cold Chain Principle: (Dickson-One Software) Ensuring Vaccine Safety: The City of Manila/Sta Ana Hospital Response – Manila City.”



“Ang ibig sabihin lang po nito ay napakaganda ng cold chain na pinatutupad natin sa pagi-imbak ng ating mga vaccines lalo na laban sa COVID. Kung maalaala ninyo, napakaganda ng ating storage facility, so congrats again sa Sta. Ana Hospital sa pamumuno ni Dr. Grace Padilla,” sabi ni Lacuna.

Ayon pa sa alkalde ang SAH ay higit pang tumaas ang performance, standard at kalidad ng serbisyo simula ng ginawa itong sentro ng pagtugon ng lungsod sa COVID. Dito rin matatagpuan ang local government’s infectious disease center bago pa magsimula ang COVID.

Maliban pa dito, sinabi ni Lacuna na noong kasagsagan ng pandemya, ang SAH ang siyang namahala sa paghawak ng RT-PCR testing machines sa lungsod na nagbibigay ng resulta mula sa mga samples na galing sa ibang city-run hospitals at mayroon din itong molecular laboratory maliban pa sa vaccine storage facility.

“Congratulations po at nagbigay na naman kayo ng karangalan sa ating minamahal na lungsod,” sabi ni Lacuna

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Padilla na ang mga karangalan nakuha ng SAH ay bunga ng dedikasyon ng mga kawani ng ospital, lalo na ng mga pharmacists at sa suportang nakukuha nila kay Lacuna, na isa ring doktor.



Pinasalamatan niya ang lady mayor, hospital workers, Department of Interior and Local Government, DICT at DGA sa pagkilala sa mga ginagawa ng Lungsod ng Maynila, at sinabing ang karangalang ito ay higit na magsisilbing inspirasyon para higit pa nilang paghusayin ang kanilang trabaho.

Ang Digital Governance Awards ay kumikilala ng mga hakbang na ginagawa ng public sectors na nagde- developed ng kanilang internal systems at sumusunod sa recognized standards upang magkaloob pa ng higit na serbisyo sa kanilang internal customers.

Samantala ang City of Manila ay nanalo din ng second place sa pamamagitan ng entry nitong ‘GO! BPLS’ sa ilalim ng bureau of permits na pinamumunuan ni Levi Facundo. Ang nasabing entry ay nanalo ng second place sa city level’s Business Empowerment (G2B) category dahil sa quality of service sa pamamagitan ng efficient business and permits licensing system.

Sinabi pa ng alkalde na ang Maynila ay nanalo din ng second place sa DENR-NCR’s Search for Most Improved Estero.

Ang karangalan ay ibinigay bilang pagkilala sa pagbabagong ginawa sa Estero Aviles sa ilalim ni chairperson Editha Lim, na binigyan din ng special citation para sa active women’s group participation. (ANDI GARCIA)