Advertisers
Kulong ang limang magkakaibigang overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansang United Arab Emirates (UAE) nang ireklamo sila dahil sa pinost na video sa social media.
Sa report, nagkatuwaan lang daw ang magkakaibigan na hindi pinangalanan noong March 12, 2023 kaya’t nag-post ito ng isang video sa Tiktok.
Gayunpaman, mali ang pagkaunawa sa video at inakusahan sila na mga nagpo-promote ito ng prostitusyon.
Ang biruan na ito ang naging dahilan ng kanilang pagkakakulong ng may mareklamo sa kanilang ginawang video.
Humingi umano ang kapatid ng isa sa mga OFW na hinuli ng mga awtoridad ng tulong sa embahada ng Pilipinas.
Napagkamalan umanong mga prostitute ang limang OFW dahil sa video na kanilang ginawa.
Nakatakda namang makipag-usap ang Philippine Embassy at Labor Attache sa UAE sa employer ng limang OFW gumawa na rin ang mga ito na kaukulang hakbang upang madalaw ang mga ito sa bilangguan.
Mahigpit ang UAE sa pagpapatupad ng kanilang cybercrime law, at ang mga nahatulan maaaring makulong at magmulta ng hanggang limang taon.