Advertisers

Advertisers

SARA SA EJK SA DAVAO CITY

0 2,369

Advertisers

MAY matinding akusasyon si SPO3 Arturo Lascanas kay Sara Duterte sa kanyang 188-pahina na pinalawak na affidavit na inisyu noong 2020. Isinumite ito sa International Criminal Court (ICC) at mahalagang bahagi ito ng mga nakalap na ebidensya laban kay Duterte at mga kasabwat. May isinasagawang formal investigation ang ICC sa sakdal na crimes against humanity laban kay Duterte at mga kasabwat.

Ang resulta ng formal investigation ang batayan kung uusigin at lilitisin si Duterte at kasama. Kinatatakutan ito ni Duterte, Bato dela Rosa, Bong Go, Jose Calida, Vitaliano Aguirre, at iba pang kasama. Hindi nila alam kung paano gigiling ang gulong ng hustisya sa ilalim ng ICC. Ang sigurado ay hindi nila mabibili ang nagpapatakbo ng ICC. Walang silbi ang kanilang bilyong piso sa uri ng katarungan ng ICC. Hindi nila ito basta naiimpluwensyahan, sa totoo lang.

Maituturing na “star witness” si Lascanas dahil insider siya sa Davao Death Squad (DDS). Kasama siya mula nang itatag umano ni Duterte ang DDS bilang grupo ng mga mamamatay tao na susugpo umano sa kriminalidad sa siyudad. Kasama siya sa mga nagplano, nagtupad ng plano, nagtakip, at kumalabit ng gatilyo ng baril sa ilang insidente ng pagpatay.



Ayon kay Lascana, tinawag niya umano si Sonny Buenaventura upang makumpirma ang utos ni Sara na noon ay nagsisilbing alkalde ng siyudad. Upang maiwasan ang anumang misinterpretation at imprecision, ibibigay naming ang mismong laman ng pinalawak na affidavit ni Lascanas: “I later called up Retired Senior Police Officer (04) Sonny Buenaventura and relayed to him Colonel Ronald ’Bato’ Dela Rosa’s ‘Abduction Operation order’ to me, as allegedly ordered him by Mayor Inday Sara Duterte-Carpio. Sonny Buenaventura answered me that he would personally confirm and verify the matter with Mayor Inday Duterte. Two days later, to my recollection, Sonny Buenaventura called me and instructed me to meet him at the Caltex Gasoline Station parking area in front of SM Mall, Ecoland, Matina, Davao City because Mayor Inday Sara Duterte will meet him in the said place. Sonny Buenaventura wanted me to narrate personally to Mayor Inday Sara, about the ‘Abduction order’ of Colonel Ronald Bato’ dela Rosa regarding his ‘Tokhang’ operation. I agreed. I immediately proceeded to Sonny Buenaventura’s location. Upon my arrival on board my Strada pick-up vehicle at Caltex Gasoline station parking area, Sonny Buenaventura motioned me to board his pick-up vehicle.

“However, before I could do so, Mayor Inday Sara Z. Duterte-Carpio arrived on board her SUV (a Fortuner-like vehicle) color dark blue. Sonny Buenaventura then disembarked immediately from his vehicle and rushed to the vehicle of Mayor Inday Sara Duterte that stopped a few meters away from Sonny Buenaventura’s pick-up vehicle. I stood in front of Sonny Buenaventura’s pick-up vehicle, looking at them talking. Mayor Inday Sara Z. Duterte-Carpio did not get off from her vehicle while talking to Sonny Buenaventura and Sonny was standing on the left side of Mayor Inday Sara Duterte’s vehicle. Then, Sonny Buenaventura hand signaled to me to come near him.

“I saw Mayor Inday Sara Z. Duterte-Carpio inside her vehicle, alone. I personally heard Mayor Inday Sara Zimmerman Duterte-Carpio ordered Sonny Buenaventura and I, in Visayan dialect, and I quote: ‘Bulgar naman kayo nan ‘Pusilon’ (SHOOT) ang ‘target’ ninyo “nong” (referring to Sonny and myself, “NONG” short of “Manong” – older person) Kidnapa na lang ninyo (‘target’ shabu users, and pushers and other suspected criminal elements in Davao City) para ‘missing’ lang, para dili samok ang media!’ (Shooting your target is too brazen. Just kidnap them, so they would just go missing, and so that the media won’t bother us). Sonny Buenaventura replied, ‘Sige, Dai! OK!’ Then, she drove away. It was a three to five-minute ‘Kill Order’ thru ‘abduction operation’ from a lady mayor of our city, the daughter of Mayor President Rodrigo Roa Duterte, that shed much blood of innocent poor Filipinos suspected of being ‘shabu’ users and pushers in Davao City, now nationwide, thru the ’Tokhang’ campaign of the Philippine National Police Chief – Four Star General and a newly elected Senator – Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.’”

“Kill order” ang ibinigay ni Sara sa pamamagitan ng pagdukot. Walang sinabi si Sara na itigil ang EJKs dahil labag ito sa batas. Hindi malinaw sa pag-iisip ni Sara ang prinsipyo ng batas kahit isa siyang abogada. Mukhang mas pinapaboran niya na sundin ang pamana ng kanyang ama bilang alkalde ng Davao City. Ito ay ang pagpatay sa pamamagitan ng extrajudicial killings (EJKs). Hindi namin alam kung may timbang ang sinabi Lascanas upang isama si Sara sa mga nasasakdal. Ito ang aspeto ng magandang sundan sa isyu ngayon sa ICC.

***



PALPAK si Menardo Guevarra ng OSG sa isyu ng crimes against humanity laban kay Duterte at mga kasama. Hindi pinaikinggan ang kanyang mga argumento na inihain sa ICC upang suspendihin ang napipintong formal investigation laban kay Duterte. Umabot sa 59 pahina ang sagot ni ICC Chief Prosecutor Karim Khan sa Pre-Trial Chamber ng ICC. “Walang pagkakamali ang ICC sa desisyon na ituloy ang formal investigation kay Duterte at mga kasabwat.

Masyadong seryoso ang mga krimen na nagawa ng administrasyon ni Duterte kaugnay sa madugo ngunit palpak na digmaan kontra droga, ayon kay Khan. Si Duterte mismo ang humikayat sa mga alagad na batas at iba pang mataas na opisyal ng pamahalaan upang isagawa ang mga karumal-dumal na krimen, ani Khan.

Inilatag ni Khan ang mga katwiran upang ituloy ang formal investigation sa sakdal laban kay Duterte at iba pa. Sa kanyang pormal na sagot sa Pre-Trial Chamber, ibinagsak ni Khan ang lahat ng sisi sa balikat ni Duterte. Hindi kami magtaka kung sumulong pa ang sakdal laban kay Duterte. Hindi kami magtaka kung mag-isyu ng arrest warrant ang ICC ng arrest warrant laban kay Duterte at mga kasabwat. Bayad atraso lang.

***

SA headline ng Philippine Daily Inquirer kahapon, kinilala ang pagpapakilala ng mga sundalong Amerikano sa mga kabaro nilang Filipino “Javelin” bilang isang makabagong armas pandigma. Ginamit ang Javelin sa giyera sa Ukraine. Ito ang pangontra sa tank warfare ng mga Russo. Ito ang panlumpo ng mga sundalong Ukrainian sa mga tangke ng Russo.

Magiging mabisa ang Javelin upang kontrahin ang anumang ambisyon ng China na sakupin ang Filipinas kahit ang mismong karagatan ng bansa. Magiging mabisang pangontra ito sa mga militia vessels ng mga Intsik sa tuwirang pumapasok sa ating karagatan upang kamkamin ang ating isda at kayamanang pandagat. Huwag na huwag silang magkakamali.

***

MGA PILING SALITA: “Politics is the second oldest profession and I’ve come to know that it bears a great similarity to the first.” – Ronald Reagan

“There will always be doves and butterflies and fireflies and turtles and bees in our midst, but beware of the vultures and other predators.” – PL, netizen, social critic

“All’s sweet that ends sweet.” – Rita Coolidge, mang-aawit

“The superior individual, whether in politics, literature, science, commerce or industry, plays a large role in shaping a nation, but so do individuals at the other extreme— the failures, misfits, outcasts, criminals, and all those who have lost their footing, or never had one, in the ranks of respectable humanity. The game of history is usually played by the best and the worst over the heads of the majority in the middle.” – Eric Hoffer sa kanyang aklat The True Believer”