Advertisers

Advertisers

AYUDANG BIGAS KASAMA SA RICE IMPORT PROPOSAL

0 142

Advertisers

IBINUNYAG ng National Food Authority (NFA) na kasama sa naging mungkahi nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aangkat ng 330 thousand metric tons (MT) ng bigas para maidagdag sa buffer stock ng bansa.

Ayon sa NFA, kabilang ito sa mga natalakay sa ipinatawag na pulong ng Presidente sa Malacañang na dinaluhan ng mga opisyal ng ahensya, Department of Agriculture (DA) at Bureau of Plant Industry (BPI).

Sinasabing naka-angkla sa rice import proposal ng NFA ang ipamamahaging bigas sa relief operations ng ibat’ ibang ahensya ng pamahalaan sa mga apektado ng mga kalamidad.



Napag-alaman na sapat pa ang nasa 16.98 million metric tons (MMT) na suplay ng bigas ngayong 2023 pero kailangan pang magdagdag ng 15.29 MMT.

Bagama’t sobra pa ng 1.69 MT o sapat sa 45 days buffer stock pagdating ng 2024, hindi na ito pasok sa ideyal na 90 day buffer stock para mapatatag ang presyo ng bigas sa merkado. (GILBERT PERDEZ)