Advertisers
MULING idinepensa ng Malacañang ang idinaraos na ika-38 Balikatan Exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, makikita ang kahalagahan ng Balikatan sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa usapin ng defense at military operations.
Bahagi aniya ito ng pagpapalakas ng maritime security at pagpapaigting ng kampanya laban sa terorismo sa rehiyon.
Sinabi ni Garafil na layunin din nitong mapaunlad ang alyansa ng mga bansa bilang magkabalikat sa iba’t ibang larangan.
Nasa 12,200 na mga sundalong Kano at 5,400 ang mga Pinoy na lumalahok sa Balikatan na magtatagal hanggang Abril 23 ngayong taon.
Ang Balikatan Exercises ay nagsimula noon pang 1998 bunsod ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, alinsunod na rin sa Visiting Forces Agreement (VFA). (GILBERT PERDEZ)