Advertisers
Umabot na sa mismong hepe ng Philippine National Police (PNP) ang turuan sa nahuling 990 kilos ng shabu noong isang taon sa Binondo,
Maynila.
Sa isang press conference,sinabi nina PNP- PDEG chief, Brig.General Narciso Domingo at PDEG Region IV-A Special Operations Unit chief,Col.Julian Olonan na may blessing si General Rodolfo Azurin Jr. na palayain at tanggalin ang posas nang nahuling pulis na si M/Sgt. Rodolfo Mayo na responsible sa pag- iingat ng mahigit sa P6.7 bilyong shabu na nahuli dito.
Ayon kay Domingo at Olonan,si Gen.Azurin mismo ang nag- utos sa kanila na i-release si Mayo para magamit sa isasagawang drug raid sa isa pang warehouse Pasig sa susunod na mga araw.
Nagtaka na lamang umano sina Domingo at Olonan nang hindi na natuloy ang planong raid na dapat sana’y gagawin ng PNP- PDEG.
Mukhang nalabutaw na nang husto ang kasong ito na kinakasangkutan ng pulis na si Mayo matapos dumami ang matataas na opisyal ng PNP na isinasabit sa kaso.
Una nang nagsumite ng leave of absence sina Generals Remus Medina at Randy Peralta na kapwa naging tauhan si Mayo at opisyal nitong si Lt.Col.Arnulfo Ibanez.
Sina Gens.Medina at Peralta ay kapwa naging hepe rin ng PNP- PDEG.
Bukod kina Gen.Domingo at Col.Olonan,isang pang general sa katauhan ni former PNP deputy chief for operations,Gen.Benjamin Santos ang pinag- leave of absence ni DILG Sec. Benhur Abalos pending investigation sa kasong ito na gagawin ng NAPOLCOM.
Pero teka muna,di ba una nang nagtalaga ng 5-man investigative team ang DILG at PNP para mag- imbestiga sa 990 kilos na nasabat na shabu mula kay M/Sgt.Mayo?
Bakit ngayon,bilang ang NAPOLCOM na ang mag-iimbestiga?
Nawala na ba ang tiwala ni SILG Abalos kay Gen.Azurin at sa PNP?
Ako man dito kay Abalos ay magdududa na rin ako.
Ilang buwan na ba ang nakalipas,wala pa ring malinaw at kongkretong report ang PNP patungkol sa kung sinu- sino ang mga heneral na direktang sabit sa nasabing multi- bilyong pisong shabu na nasabat.
Imposibleng isang sarhento lamang na si Mayo ang sangkot at sabit.
Malinaw na may nangyayaring cover-up at may ilang heneral at mga opisyal ang gustong isakripisyo para iligtas ang mas matataas pang opisyal ng PNP.
May higing tayo na pumapalag na ang mga classmates ng mga generals na ito na gustong gawin ” sacrifial lambs”.
At hindi ito maganda sa demoralisado nang kapulisan natin.
Batid ito ni Sec.Abalos kung kaya’t matindi na ang pakikipag-usap nito sa Pangulong BBM hinggil sa gravity ng isyu laban sa ipinagbabawal na gamot.
Sigurado tayong “heads will roll” sa kasong ito.
Sa araw- araw na lang kasi, padami nang padami ang mga heneral at opisyal ng PNP ang nadadawit sa salot na illegal drug trade.
Lubhang nakakatakot!
Paano na nga pala ang warehouse sa Pasig na sana’y nakatakdang salakayin ng PNP- PDEG?
Andun pa nga ba ang inaasang sangdamukal na droga na mas marami pa daw sa una nang nasakoteng 990 kilos na shabu?
Anak ng pindehong kabayo, sigurado tayong nailipat at naitakas na ang mga epektos!
Sinong demonyo ang nagpasingaw ng impormasyong ito para maitakas ang sangdamakmak na droga?
Your guess is as good as mine!
May iba pa ba?
Cute ang ina nyo talaga!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com