Advertisers
Muling tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na suplay ng bigas ang bansa.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na nakita pa rin niya ang pangangailangang mag-angkat ng bigas.
Mahalaga aniya ang importasyon para matiyak na maraming buffer stock ang National Food Authority (NFA).
“Mukha namang maganda ang sitwasyon natin. Hindi tayo magkukulang sa bigas. At tinitingnan natin lahat ng paraan upang ang presyo ay ma-control natin at hindi naman masyadong tataas,” wika ng Pangulo.
Una nang iminungkahi ng NFA kay Pang. Marcos ang pag-aangkat ng 330 thousand metric tons (MT) ng bigas para maidagdag sa imbak ng ahensya na inaasahang aabot pa hanggang sa susunod na taon. (GILBERT PERDEZ)