Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
FIRST time namin dumalo sa isang presscon after 8 months na nakatengga lang sa bahay dahil sa quarantine.
Maraming protocol sa invitation ayon kay katotong Jobert Sucaldito, kailangan naka-mask and face shield at may social distancing at hindi pwedeng kumuha ng picture o video sa mga invited kundi magpokus lang sa presscon.
Mabuti na lang at hindi required ang swab and rapid test.
Ganuon pa man naging masaya ang pagtitipon sa movie launch ni Sean de Guzman, ang gaganap bilang “Anak ng Macho Dancer”, dahil bago nag-start ay ipinakita niya ang galing sa pagsasayaw kaya naman tuwang-tuwa ang director ng nasabing pelikula na si Joel Lamangan.
Sinabi naman ng producer na si Joed Serrano, sa itinatag niyang Godfather Productions na wala siyang pakialam kung kailan matatapos ang pandemya at kung anong buwan niya ipalalabas sa commercial theaters ang Anak ng Macho Dancer.
Basta ang gusto raw niya ay tapusin ang pelikula dahil alam niya na isa itong obra maestra na pinasikat ng nasirang direktor Lino Brocka.
“Matagal ko na dream makagawa ng isang pelikula na hindi pagsasawaan ng tao kahit paulit-ulit itong panoorin, naisip ko itong pelikula dahil kahit sa ibang bansa hindi rin sila nagsasawa”, paliwanag ni Joed…Alam mo na!!!
***
MALAKING dagok ang nangyari sa isang young actress sanhi ng Covid19 pandemic na halos lahat ng negosyo niya ay nagsara.
Pinag-usapan sa apat na sulok ng Showbizlandia ang pagsasara ng kanyang mga business sa sikat at malaking mall sa Metro Manila.
Dati hindi makausap ang mudra ni young actress dahil busy ito sa pag-aasikaso sa negosyo ng kanyang unica hija.
Marami ang nagtatampong kasamahan namin sa panulat kay mudra kasi nga hindi na ito makausap sa kabisihan.
Kung gaano kabilis ang pagpapatayo ni young actress sa nasabing negosyo ay ganu’n din kabilis ang pagbagsak nito.
Ayon sa isang kaibigan ni young actress, sa sampung outlet na ipinatayo niya sa malalaking mall, walong branches na ang nagsara at hindi malayo magsara na rin daw ang natitirang dalawang branches pa nito.
Nahihirapan daw mag- maintain sa upa si young actress dahil wala naman pumapasok na kostumer at hindi pinapayagan sa ngayon na magbukas ang kanilang business dahil may face to face ito at hindi pwede ang social distancing sa klase ng negosyo.
Sa ngayon hirap na raw si young actress lalo na nang magsara ang kanyang mother network.
Kayak dobleng dagok ang dumating kay young actress, at bukod sa pandemic wala rin siyang mga show at kahit commercial ay walang offer.
Napanood pa rin ang kanyang mga commercial sa free tv pero iyon ay dati pang contract.
Walong buwan nang walang trabaho si young actress at puro palabas ang pera nito na wala man lang pumapasok na income kaya natatakot siya na baka masaid ang kanyang savings.
Sa ngayon wala pang balita sa young actress kung lilipat siya ng network at wala naman kaming nabalitaan na may offer siya sa iba…kilala mo siya kapatid na Blessie…Alam mo na!!!