Advertisers

Advertisers

2nd booster vs. COVID-19 gugulong na – Mayora Honey

0 121

Advertisers

GUGULONG na ang second booster shot kontra COVID-19 para sa general population sa kabisera ng bansa.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Miyerkules ng umaga sa regular na pagdaraos ng ‘Kalinga sa Maynila’ sa Barangay 328, Sta. Cruz, Manila.

Nabatid mula sa pahayag ni Atty. Princess Abante, Head of Communications at Spokesperson ni Lacuna na magsisimula ng magbigay ang Manila Health Department sa pangunguna ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ng second booster shot kontra COVID-19 sa general population na 18-anyos pataas sa lahat ng 44 health centers ng Maynila.



Matatandaan na inilabas na ng Department of Health (DOH) nitong Martes ang guidelines para sa 2nd COVID-19 booster shot sa general population, hindi kabilang dito ang mga batang edad 5 hanggang 17 – anyos.

Kabilang naman sa legible na tumanggap ng 2nd booster shot ay ang mga buntis, nagpapasusong mga ina o lactating women, gayundin ang mga immunocompromised na indibidwal.

Ayon pa sa guidelines ng DOH ay maaari ng magpaturok ng kanilang ikalawang booster shot anim na buwan pagkatapos ng kanilang unang booster.

Ang 2nd booster shot ng COVID-19 vaccines ay available sa lahat ng 44 health centers sa lungsod mula Lunes hanggang Biyernes alas- 8 ng umaga hanggang alas- 4 ng hapon. Dalhin lamang ang QR code mula sa inyong rehistro sa manilacovid19vaccine.ph.

Nabatid na hinihikayat ng pamahalaang lungsod na magsama pa ng barkda o kaibigan na magpapaturok ng 2nd booster shot dahil kailangan ang anim na tao para buksan ang isang vial ng vaccine at upang hindi rin ito masayang.



Sinabi naman ng DOH na ang mga bakuna mula sa Pfizer, Moderna at AstraZeneca ang siyang gagamitin para sa 2nd booster. (ANDI GARCIA)