Advertisers

Advertisers

Pasabog ni Teves

0 175

Advertisers

MAY ibinunyag nitong Huwebes si suspended Negros Oriental 3rd district Representative Arnolfo Teves, Jr.

Dalawang powerful government officials daw ang nag-utos para patayin siya. Hmmm…

Hindi naman siguro sina Justice Secretary “Boying” Remulla at Interior Secretary ang mga opisyal na tinutukoy rito ni Teves?



Sina Boying at Benhur lang naman kasi ang puspusang nagtatrabaho ngayon para mabigyan ng hustisya ang mga reklamong patayan sa Negros Oriental partikular ang pagmasaker sa siyam katao kabilang si Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4, 2023 sa mismong tahanan ng gobernador sa bayan ng Pamplona.

Si Teves ay nasa Amerika nang patayin si Degamo. Nang mahuli ang mga salarin na mga dating military at inguso siya bilang mastermind sa krimen, umalis ng US si Teves. May nagsabing ito’y nasa Cambodia, sa kampo raw ng druglord. Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na may nakakita kay Teves sa South Korea.

Paulit-ulit na sinasabi ni Teves na hindi siya babalik sa Pilipinas para pisikal na harapin ang mga akusasyon laban sa kanya kaugnay ng pagpatay kay Degamo at iba pang krimen.

Palusot pa ni Teves sa pagtangging pangalanan ang dalawang opisyal na sinasabi niyang gusto siyang ipapatay: “Mala-libel kasi ako kung sasabihin ko dito. Opisyal ng gobyerno, dalawa sila. Dalawa sila, mataas na opisyal,” sabi niya sa panayam ng programamg Headstart sa ANC.

Hindi rin binanggit ni Teves kung ang dalawang opisyal na ito ay elected o appointed.



Nang tanungin kung ang mga opisyal ba na ito ay kalaban niya sa politika, sagot niya “No!”.

Sabi niya, ang mga opisyal na ito ay nagkamali sa pagbigay ng order na patayin siya. Dahil may koneksyon daw siya para malaman ito.

“Nung nag-order siya [para patayin ako] directly, doon siya nagkamali. Alam mo bakit? Nakalimutan nila na lahat naman ng tao, may kilala kahit saan. Walang usok na natatago. Nag-li-leak yung impormasyon,” sabi ni Teves.

Sabi pa ni Teves, ang utos para salakayin ang kanyang bahay at taniman ng ebidensiya ay mula sa mga opisyal na ito.

“Huli ko lang nalaman na ang instruction pala is barilin ako diretso sa bahay ko, sabihin lang lumaban,” sabi ni Teves.

Sabi ni Teves, ang mga opisyal na ito ay gusto siyang matigok dahil hangad ng mga ito na makontrol ang e-sabong business sa kanilang erya.

Pero sa huli, iginiit ni Teves na wala na siyang negosyo. Aniya, ang naturang mga opisyal ay may negosyong sugal na nalugi at siya ang sinisisi.

Marami nang mambabatas at miyembro ng gabinete pati si Pangulong Bongbong Marcos ang nanawagan kay Teves para bumalik na sa Pilipinas at harapin ang mga akusasyon laban sa kanya, pero dedma lang siya dahil baka patayin daw siya.

***

Sa Senate probe, ibinunyag ng biyuda ni Gov. Roel Degamo na si Pamplona Mayor Janice, ang yaman ng mga Teves sa kanilang lalawigan ay mula lahat sa iligal na sugal pati raw sa droga.

Si Teves rin daw ang mastermind ng mga patayan sa kanilang probinsiya. Nasa 75 katao na raw ang ipinapatay ng suspendidong mambabatas.

Mas demonyo raw si Teves kesa sa Ampatuan sa Maguindanao na nagpamasaker ng 58 katao noong Nobyembre 23, 2009, panahon ng filing ng Certificate of Candidacy.

Well, tingnan natin kung saan hahantong ang imbestigasyong ito sa mga kaso ni Teves. Subaybayan!