Advertisers
NAGING “talk of the town” ang maybahay ni Manny Villar na si Cynthia Villar dahil sa isang nag-viral na video kung saan nakikita siyang nag-konprontasi sa mga security guards na naglagay ng harang sa kalsada sa Zapote River Drive. Ang naturang harang ay puwesto sa tapat ng itinayo niyang composting at vermiculture facility. Naging viral nang umani ito ng halos pitong milyong views. Halo ang reakyon ng nakapanood ng video may positibo na nagsabing tama ginawa niya sa pag kompronta sa mga security guard dahil bukod na paalisin niya ang mga informal settler na naninirahan doon, napaganda niya ang lugar sa pamamagitan ng pagtayo ng composting at vermiculture facility doon. Ang composting ay pagtambak ng mga nabubulok na bagay upang maging patabang lupa,at ang vermiculture ay pagpapalaganap ng mga bulate.
Marami ang nagbigay ng negatibong komento, dahil sa mala-Dona Agueda asta ng senadora. “Iyong aking lugar na iyon, puno iyong ng squatter. Nilinis ko tapos tinayuan ko ng composting facility at vermicomposting facility…” ani senadora. Natawa ako nang makita kong itinulak-tulak niya ang isang gwardya at dinuro ang mga guwardyang rumesponde. Mantakin ninyo, isang grupo ng malalaking tao na kaharap ang isang aleng wala pang limang talampakan sa laki? Sa isang sapantaha ko tama ang ginawa ni Mrs. Villar. Walang may karapatan na harangin ang daluyan ng trapiko, lalo na kung dumadaan ito sa loob ng mga village. Notorious ang Las Piñas sa kalakarang ganito. Sa kabilang dako, hindi ako sang-ayon sa inasta ni Mr. Villar lalo na nang sinabi niya ““’Di ko malaman bakit nila sinasarhan. That’s for the people. We are not doing anything bad. Wala sa akin ‘yun…” Mawalang-galang po, “public official” po kayo kay hindi mo pwede sabihin wala sa iyo iyon, dahil “big deal” ito sa nakasaksi sa video mong naging viral. Maaaring tama ang motibo mo pero naging mali ang lahat dahil sa ugaling ipinamalas mo na taliwas sa imahe ng lingkod-bayan, na marahan sa pananalita, ngunit matigas pagdating sa pagpapairal ng batas. Napag-alaman ko rin na ang Zapote River Project ay proyekto ng pamahalaan.
Nagmamarkulyo ka dahil katabi lang ito ng Evia Mall na pag-aari ninyo. Kaya tuloy bukod sa tingin ng madla sa iyo na arogante, matapobre ka at may interes ka sa lugar dahil dumadaan sa Evia Mall ninyo. Magpasalamat ka dahil kasapakat mo na administrasyon at ahensyang namamahala sa halalan ang nagluklok sa iyo sa puwesto. Sabi mo Aling Cynthia: “WALA AKONG GINAWANG MASAMA…” Sabi nga ng isang netizen: “Ay naku, doon ka na sa barangay magpaliwanag. Kahit kelan, hindi mo ito kakikitaan ng kababaang-loob…”
***
DALAWANG tulog na lang at deadline ng SIM registration para sa lahat ng prepaid SIM card sa lahat ng networks. Kumbaga sa “finished or not finished pass your papers”. Abril 26 ang taning na araw at hindi na magkakaroon ng palugit o extension. Sa akin positibong hakbang ito dahil mababawasan ang mga scammers at manloloko na nambibiktima gamit ang cellphone. Hindi ito magiging problema sa mga post-paid account holders dahil rehistrado na ang kanilang SIM. problema ito sa mga prepaid accounts dahil kinakailangan nilang mag rehistro online. Hindi na masyadong problema ito sa mga “tekkie” o bihasa sa teknolohiya sa likod ng cellphone pero paano kung sa malayo nakatira ang SIM holder na prepaid? Paano kung katulad ko na 3210 ang kanyang telepono? Paano kaya kung OFW siya na umaasa sa data ng telepono, at paulit-ulit nagtatangkang mag rehistro pero hindi magawa? Mungkahi ko magtayo sila ng isang toll-free emergency hotline na pwede tawagan at ayusin ang kanilang registration issue?
Kahit dalawang tulog na lang marami pa rin ang matutulungan. Hindi ko alam kung ginagawa na ito ng mga networks ngunit sa palagay ko hindi pinaigting ito. Kaya good luck na lang sa mga kailangan magparehistro ng SIM. At sa mga giliw kong tagabasa ng abang kolum na ito, kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
Mga Harbat Sa Lambat: “Justice Secretary Jesus Crispin Remulla maintained that allowing International Criminal Court prosecutors to investigate former president Rodrigo Duterte and other officials on Philippine soil would be an insult to the local justice system… Ignore him. When pressures are applied, he won’t be a factor… Let him say what he wants…” ? Philip Lustre Jr, peryodista, netizen
“The best way for BBM to encourage Filipinos to pay their taxes this coming April 15, 2023, taxpaying day, is to lead them by paying his long overdue estate tax amounting to P203-B to the BIR. Any campaign for Filipinos to pay their taxes is mere lip service if he will not lead by example…” – Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netizen
“People don’t realize that trapos are atavistic in humans. They are atavistically fascinated and inclined to evil. Kaya ang labanan ay talagang AKTIBISTA VS ATABISTA…” – Mark Lesaron, magsasaka, netizen
“Sintyanak: “Ako ang nagpaalis ng lahat ng squatter dito!”
Guard na bakla: “Eh, bakit naiwan ka?…” – Joey Berroya, netizen
***
Jok Taym:
JUAN: Birthday ng asawa ko…
PEDRO: Ano regalo mo?…
JUAN: Tinanong ko kung ano gusto niya, sabi niya kahit ano basta may DIAMOND…
PEDRO: Ano binigay mo?…
JUAN: Baraha…
***
mackoyv@gmail.com