Advertisers

Advertisers

Dental mission sa lalawigan ng Antique, pinangunahan ng ANAKALUSUGAN Party-List

0 143

Advertisers

MATAGUMPAY ang ginawang dental mission na pinangunahan ni AnaKalusugan Party-List Rep. Ray T. Reyes mula sa limang bayan ng lalawigan ng Antique kamakailan.

Ayon kay Reyes, ito ay bilang bahagi ng mga inisiyatibo ng Partido sa layunin na maipaabot ang mga serbisyong medikal lalo’t higit para sa mga residenteng naninirahan mula sa malalayong lugar

Layunin ng dental mission, ani Reyes, na makapagbigay ng libreng dental services para sa underserved communities at para din sa mga taong mayroong limitadong pagkakataon para naman sa iba pang healthcare services.



“We go back to our core advocacy to make use of congressional downtime to bring free health service missions to rural areas where these remain wanting,” saad ng mambabatas.

Mahigit sa 500 mga residente ang nabigyan ng libreng dental services mula sa mga bayan ng Valderrama, Patnongon, San Remegio, Sibalom, and Anini-y, bukod pa rito ang ibinigay na libreng consultation, extraction, dental filling, at prophylaxis.

“Marami sa ating mga kababayan sa probinsya ang hindi makapunta sa dentista o ayaw magpatingin sa dentista dahil sa takot na kailangan magbayad ng malaking halaga,” sabi ni Reyes.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Reyes ang pamahalaan ng Antique makaraang pahiramin ang Partido ng dental bus gayundin ang pakikiisa ng mga professional dentists ng lalawigan kung saan ang mga ito’y nakiisa sa AnaKalusugan volunteer dentists at attendants.

“We are grateful for the opportunity to help our kababayans in Antique and we hope that our dental missions will not only alleviate their health problems but also show them that the government cares for their welfare,” ani Rep. Reyes.



Samantala, muling pinaalala ng mambabatas ang kanyang panawagan para sa expansion ng PhilHealth packages upang maisama rito ang dental health sa ilalim ng Universal Health Care law.

“If there is any takeaway from our dental missions, it is that there is a need for Philhealth and local government units to focus on the expansion of their regular services and seriously move towards the coverage of the dental needs of our constituents,” ani Reyes.