Advertisers
INIHAYAG ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na kaisa siya ng buong sambayanan sa pagdiriwang ng Earth Day kahapon, Abril 22.
Sa naging mensahe ni PBBM, sinabi ng Presidente na buo ang suporta ng kanyang administrasyon sa mga programa at polisiya para sa Inang Kalikasan.
Kasabay nito, inanyayahan din ni Pang. Marcos ang publiko at mga lingkod-bayan na makiisa sa pandaigdigang aksiyon laban sa pabago-bagong klima o climate change.
Magugunitang unang sinimulan ang paggunita ng Earth Day sa buong mundo noong April 22,1970. (GILBERT PERDEZ)