Advertisers

Advertisers

Mayora Honey, pinasinayaan ang IDU ng GABMC

0 151

Advertisers

PINASINAYAAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang bagong Infectious Diseases Unit (IDU) sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) bilang paghahanda sa mga health emergencies at iba pang sakit tulad ng COVID-19 na nangangailangan ng espesyal na atensyon.

Sinamahan si Lacuna ni GABMC Director Dr. Ted Martin at Senator Manuel “Lito” Lapid kung saan ang tulong nito ang siyang nagbigay daan sa tagumpay ng proyekto.

Bilang isa ring doktor, binigyang diin ni Lacuna anf importansya ng IDU at sibabing ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) ay unang itinayo sa Sta. Ana Hospital bago pa manalasa ang COVID-19.



Ayon sa alkalde ang MIDCC na naging operational sa ilalim ni hospital director Dr. Grace Padilla, ay instrumental sa paghawak ng pamahalaang lungsod ng mga kaso ng COVID lalo na nung napakataas ng bilang ng mga tinatamaan nito.

Sa kanyang bahagi naman ay sinabi ni Dr. Martin: “Layunin ng proyektong ito na madagdagan ang kakayahan ng ating ospital na makapagbigay ng serbsiyo medikal sa mas nakararami pa nating mga kababayan sa panahon ng health emergencies tulad ng pagtugon sa sakit na COVID-19 at iba pang nakakahawang sakit.”

Sinabi pa nito na ang inagurasyon ng IDU sa GABMC ay isa lamang sa serye ng mga gawaing inilatag ng GABMC na kaugnay ng selebrasyon ng 25th anniversary sa April 28.

Ayon kay Dr. Martin:“GABMC extends its gratitude to the Rotary Club of Bagumbayan – Manila R. I. District 3810 (Host Sponsor) and Rotary Club of Pohang – Eunhasu R. I. District 3630 (International Host Sponsor) for their generous donation of an Anesthesia Machine through the Rotary Foundation Global Grant for Disease Prevention and Treatment.”

Napagalaman din na ang nasabing ospital ay nagsagawa din ng mass blood donation program na tinawag na “Dugong Bigay… Dugtong Buhay” na may malaking suporta ng Philippine Blood Center.



“Layunin ng proyektong ito na makatulong sa ating mga kapatid na mga Manileño na may karamdaman at nangangailangang masalinan ng dugo tulad na lamang ng ating mga hemodialysis patients,” sabi pa ni Dr. Martin. (ANDI GARCIA)