Advertisers

Advertisers

‘War freak’, huli sa boga at patalim

0 151

Advertisers

Kulong ang isang lalaki nang maghasik ng takot sa loob ng isang compound ng Barangay Sto. Rosario-Kanlungan, Pateros, Metro Manila.

Sa report na natanggap ni SPD District Director PBGen Kirby John Brion Kraft, kinilala ang suspek na si Anthony Gupilan y Domingo, 53, ng Buenaventura Compound, Bgy. Sto. Rosario-Kanlungan ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, 9:00 ng gabi ng Abril 21 (Biyernes), nakatanggap ng ulat ng kaguluhan ang Pateros Police Station sa isang apartment na matatagpuan sa Buenaventura Compound kung saan kinasasangkutan ito ng suspek na may hawak na baril at matalas na patalim.



Ayon sa ilang saksi, gumawa umano ng gulo ang suspek habang armado ng nasabing mga armas at nagbanta pa na sasaktan ang sarili.

Agad namang rumesponde ang mga pulis kaya’t naaresto ang suspek. Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong live ammunition at tatlong bladed na armas.

Dinala si Gupilan sa Pateros Police Station at nakatakdang kasuhan sa paglabag sa RA 10591, Batas Pambansa Blg. 6 at Alarm Scandal (JOJO SADIWA)